Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isang tradisyunal na kasal Tsino

(GMT+08:00) 2011-10-18 13:00:56       CRI
Huwebes ng hapon nang sabihan ako ni Tata Frank na imbitado raw ako sa kasal ng ating Happiest DJ na si Sissi. Ang kasal, aniya ay gaganapin sa Sabado, ika-15 ng Oktubre, sa isang nayon sa bandang hilaga ng Beijing.

Sinabi rin ni Frank na hindi ito kagaya ng mga nakita ko nang seremonya ng kasal, dahil ito ay isang tradisyunal na kasal Tsino.

Daglian naman akong sumang-ayon dahil hindi pa ako nakakakita ng ganoong klaseng kasal, at siyempre, gusto kong suportahan si Ate Sissi sa pinakaimportanteng araw ng kanyang buhay.

Halos lahat ng mga kasamahan ko rito sa Serbisyo Filipino ay naimbitahan ding dumalo sa kasal.

Dumating ang Sabado ng umaga at nagkita-kita ang lahat sa tapat ng main gate ng CRI. Sumakay kami sa isang bus at naglakbay patungo sa Pinggu, ang lugar kung saan idaraos ang kasal ni Ate Sissi. Nagtagal din ng isang oras ang biyahe dahil may kalayuan ito sa sentro ng Beijing.

Pagkatapos ng mahabang paghihintay at pagkukuwentuhan sa bus, nakarating din kami sa patutunguhan. Sumalubong sa amin ang mga tila ba'y kanyon sa harap ng bakuran kung saan idaraos ang kasal.

Tinanong ko si Pareng Ernest kung para saan ang mga ito. Sinabi niya na ang mga kanyon at paputok na ito ay integral na parte ng isang tradisyunal na kasal sa Tsina. Ito ay pinapuputok para magkaroon ng magandang kapalaran ang mga ikakasal. Bukod pa diyan, ang lahat ng kulay, pati na ang entabladong paggaganapan ng seremonya ay kulay pula.

Naghintay pa kami ng kaunti at dumating na ang mga ikakasal, sakay ng isang limousine. Bumaba sila sa kotse, kasabay ng pagpapaputok ng mga kanyon.

Sa wakas, sinimulan na ang seremonya ng kasal. May takip ng pulang bandana ang mukha si Sissi nang umakyat siya sa entablado. Ito raw ay isa sa mga matandang katangian ng isang tradisyunal na kasal.

Bagamat hindi ko maintindihan ang wika, ang seremonya ay masaya at buhay na buhay. Lahat ng mga kaibigan at kamag-anakan ng mga ikakasal ay nagtatawanan at nagkakasiyahan..

Siyempre, nagbigay din ng kanilang mga maikling pananalita ang mga magulang at ilang malalapit na kaibigan. Ilan sa mga ito ay ang ating Loving DJ na si Lakay Ramon. Tumayo siya sa entablado at binati ang bagong kasal, nagbigay rin siya ng maikling salita para sa ating Happiest DJ.

Bukod pa riyan, pumana rin ng tatlong palaso sa eyre ang kabiyak ni Sissi at nagpasalamat sila sa lahat ng dumalo sa kanilang kasal: muli, isa rin itong matandang katangian ng tradisyunal na kasal.

Habang nagaganap ang lahat ng ito, napansin kong ang mga pagkaing ihahanda ay iniluluto sa may bandang likod ng bakuran. Dahil medyo gutom na ang inyong kabarkada, nilapitan ko ang mga tagapagluto at kinunan ko ng larawan ang mga handa.

Pagkatapos ng seremonya, hindi rin nawala ang pagpapakuha ng mga larawan.

Siyempre, alam na ninyo ang kasunod pagkatapos ng kodakan: tsibugan time na!

Hay! Talagang nabusog kami sa handaan ng kasal ng ating Happiest DJ. Maraming salamat sa iyo Ate Sissi! Goodluck at best wishes sa bago mong buhay!

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>