Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Labing-tatlong kawal nasawi sa sagupaan sa basilan

(GMT+08:00) 2011-10-19 18:41:12       CRI

TATLONG opisyal ang nakasama sa 13 mga kawal na napaslang sa isang sagupaang naganap sa Basilan kahapon. Ito ang nabatid kay Lt. Col. Randolph Cabangbang, tagapagsalita ng Western Mindanao Command. Hindi muna ibinigay ang mga pangalan ng mga kawal na napaslang hanggang hindi pa nasasabihan ang kanilang mga kamag-anak.

Labing-dalawang mga kawal din ang nasugatan samantalang sampung iba pa ang nawawala hanggang kagabi kasunod na mainitang bakbakan ng mga kawal ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front sa bayan ng Albarkah.

Ayon sa tagapagsalita ng MILF na si Von Al Haq, limang rebelde ang nasawi. Ayon sa kanilang sariling website, sinabi ng MILF sa 22 mga kasapi ng Special Forces ng Philippine Army ang nasawi sa walong oras na sagupaan at sampung mga kawal ang nasugatan.

Nagsimula umano ang bakbakan mga alas singko-y-media ng umaga kahapon at tumagal ng hanggang ika-apat ng hapon. Nasamsam umano ng MILF ang apat na M203 rifles, apat na Mini Machine Gun, isang M60 at ang iba pa'y pawang armalite rifles. Nagpadala umano ang militar ng dalawang UH-1H helicopters at isang MG-520 helicopter at pinaulanan ng mga bala ng kanyon at mortar ang MILF positions.

Anim umanong mga kasapi sa MILF ang napaslang. Sa pahayag ng militar, lima lamang na kasapi ng Special Forces ang napaslang at anim ang nasugatan bilang dagdag sa sampung iba pang nawawala sa gitna ng putukan.

Nagsimula ang labanan ng dumating ang mga tauahan ng Philippine Army upang dalhin ang warrant of arrest para sa isang MILF commander.

Sa kanyang ipinalabas na pahayag, sinabi ni Mohager Iqbal, Chairman ng Moro Islamic Liberation Front Peace Negotiating Panel, napagkasunduan na ng magkabilang panig na kung may mga kailangan sa kani-kanilang mga tauhan ay idaan sa kanilang central command upang maiwasan ang sagupaan.

Ayon kay Bise Gobernador Al Rasheed Sakalahul, dahilan sa namuong tensyon sa pag-itan ng magkabilang panig, may isang libo katao na ang lumikas sa kanilang tahanan.

Sa panig ng militar, sinabi ni Colonel Cabangbang na nagsimula ang labanan ng makasagupa ng mga kawal ang mga armadong pinamumunuan ng dating Muslim rebel commander na si Dan Laksaw Asnawi na tumakas sa piitan noong 2009 at isang akusado sa pamumugot ng mga sundalo ng Philippine Marines noong 2007.

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT 1 MALAMANG IPAGBILI

PINAG-AARALANG mabuti ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon ang posibilidad na ipagbili ang Ninoy Aquino International Airport sa hangganan ng Pasay at Paranaque upang matustusan ang pagtatayo ng Clark International Airport. Layunin nitong matugunan ang pangangailangang pangmatagalan ng bansa at mapasigla ang turismo sa Pilipinas.

Sa isang roundtable meeting kasama ang mga mamamahayag, sinabi ni DOTC Secretary Manuel Araneta Roxas II na ang lahat ng ito'y pinag-aaralan pa lamang at hindi magagawa ng madalian o sa loob ng isa hanggang tatlong taon.

Nagpahayag din ng kanyang pagkadismaya si Kalihim Roxas sa balitang lumabas na nakahihiya na ang kalagayan ng tatlong-dekada nang Ninoy Aquino International Airport I sa mata ng mga mananakay at mga turista.

May mga ginagawa na umano ang kanyang tanggapan upang matugunan ang mga puna at kantiyaw ng mga mananakay at mga turista sa survey na nagsabing ang pinakapangit na paliparan sa buong daigdig ay ang NAIA I.

Wala na umanong magagawang expansion pa para sa matanda nang paliparan. Ang rated capacity ng apat na terminal sa ilalim ng Manila International Airport Authority ay umabot na sa 32 milyong mga mananakay at mga turista bawat taon.

Limitado na umano ang magagawa pa sa Ninoy Aquino International Airport 1 kaya't mas magiging praktikal na ang paglilipat ng international operations sa Clark International Airport.

Ayon kay Kalihim Roxas, ang privatization ng NAIA ang magtataas ng kita ng pamahalaan ng may dalawa't kalahating bilyong dolyar na sasapat na upang tustusan ang pagpapatayo ng bagong paliparan sa Clark.

MGA ALAGAD NG SINING, DADALAW SA BANSA SA PAGDIRIWANG NG IKA-35 TAON NG PAGKAKAIBIGAN NG RUSYA AT PILIPINAS

LABING-TATLONG nangungunang alagad ng Sining ng Russian Federation sa pamumuno ni Vladimir Anisimov ang nasa 20-araw na cultural visit sa Pilipinas.

Ito ang nabatid kay Russian Federation Ambassador to the Philippines Nikolai Kudashev sa isang press conference sa Department of Foreign Affairs kaninang umaga.

Dumating ang grupo kahapon sa Vigan, isang UNESCO-declared heritage site sa pakikipagtulungan kay Gobernador Chavit Singson at babalik sa Maynila upang pasinayaan ang mini-exhibit ng mga Russian paintings sa Manila Hotel sa pamamagitan ni Don Emilio Yap. Magtutungo rin ang grupo sa Bohol upang masdan ang magagandang tanawin ng mga parola, mga simbahan at ang tanyag na Chocolate Hills. Sa Cebu, makikita nila ang pagiging malapit ng Pilipinas at Europa sa pamamagitan ng mga malalaking barkong sinauna, ang mga galleon.

Sa Dapitan, ang mga panauhin ay maninirahan sa Dakak Resort at makikita ang tinirhang tahanan ni Dr. Jose Rizal noong ipatapon siya ng mga Kastila sa Mindanao.

Makikita rin nila ang magagandang tanawin sa Baler, Aurora sa pamamagitan ni Senador Edgardo J. Angara. Sapagkat ang buwan ng Oktubre ay itinalagang Prisons Month, magkakaroon ng sesyon ang mga alagad ng Sining sa mga bilanggo upang higit na mapalawak ang kanilang mga kakayahan sa visual arts at madagdagan ang kanilang pagkakakitaan.

Sa pagtatapos ng kanilang pagdalaw, mamamasyal sila sa Angono, Rizal ang tinaguriang Arts Capital of the Philippines at magkakaroon ng pagkakataong mamasyal sa Tagaytay, Pagsanjan Falls at Batangas.

Ayon kay Ambassador Kudashev, layunin ng pagdalaw na ito na makilala ang Pilikpinas bilang 1st ASEAN Culture Capital tulad ng sinasabi ng UNESCO Dream Center Director Cecile Guidote-Alvarez.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>