|
||||||||
|
||
Mga mamamahayag ng CRI sa bangkete
Guangxi, Nanning -- Sa pangunguna ni Li Degang, Presidente ng Nanning Radio, isang salu-salo ang inihanda rito kagabi ng naturang himpilan para sa mga mamamahayag ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI) na dadalo sa ika-8 China-ASEAN Expo (CAExpo).
Sa kanyang paunang pagbati, sinabi ni Li na siya ay nagagalak at maraming mamamahayag mula sa CRI ang dadalo sa naturang aktibidad upang ipahayag sa buong mundo ang mga benepisyong idinudulot ng CAExpo sa China at ASEAN, pati na rin sa ekonomiya ng buong mundo.
Ang mga pagkaing inihanda sa bangkete
Binati rin ni Li ang mga dayuhang eksperto mula sa CRI sa kanilang kontribusyon sa pagpapahayag sa buong daigdig ng naturang aktibidad.
Ipinaabot din niya ang kanyang malugod na pagbati kay Ginoong Hong Lin, Deputy Director ng ASEAN Desk ng CRI at puno ng delegasyon ng CRI sa ika-8 CAExpo sa kanyang pagpupusirge na katigan ang naturang aktibidad.
Si Ernest (kaliwa) habang kasalo ang iba pang mga mamamahayag ng CRI
Humigit kumulang sa 15 kataong delegasyon ang ipinadala ng CRI na binubuo ng ibat-ibang himpilan na katulad ng Serbisyo Filipino, Malaysian Service, Thai Service, Myanmar Service, English Service, at iba pa.
Dumalo rin sa salu-salo sina Qin Kejun, Bise Presidente ng Nanning Radio at Mo Xinhua, Opisyal ng Tanggapan ng Punong Editor ng Nanning Radio.
Sa Biyernes, ika-21 ng buwang ito nakatakdang buksan ang ika-8 CAExpo na magtatampok sa ibat-ibang produkto at serbisyo ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Reporter: Rhio at Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |