|
||||||||
|
||
Taunang ginaganap ang China-ASEAN Expo dito sa Nanning na capital city ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina.
Dahil sa China-ASEAN Expo noong nakaraang taon, umangat ang exports ng ASEAN countries sa China ng apat napung porsyento, samantalang umangat ng tatlumpung porsyento ang export ng Tsina sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
Sina Guo Shengkun at Surin Pitsuwan
Sa pag-uusap kaninang umaga ng Kalihim ng Lupon ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Komite Sentral ng Communist Party ng China na si Guo Shengkun at Secretary General ng ASEAN na si Dr. Surin Pitsuwan, binigyang diin nila na sa harap ng nagaganap na financial crisis sa mundo, magandang pagkakataon ang ika-8 China-ASEAN Expo (CAExpo) para talakayin ang mga problemang nararanasan ng Tsina at mga bansang miyembro ng ASEAN.
May mga naka-schedule na fora tungkol sa kalikasan, droga at mga gamot, solar energy, polisiya sa trade and investment, at marami pang iba.
Ibibida naman ng Pilipinas sa kanilang exhibit ang mga produkto nito tulad ng furniture, pagkain, fashion products,at tourist sites na gaya ng Puerto Princesa sa Palawan.
Ipinagmalaki naman ng China, na sa labing isang dialogue partners ng ASEAN, sila lamang ang nagsasagawa ng ganito kalaking event upang ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA.
Espesyal din ang taong ito dahil anibersaryo din ng China-ASEAN Friendship Year at unang anibersaryo ng CAFTA.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |