Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Puerto Princesa, charm city ng Pinas (audio report)

(GMT+08:00) 2011-10-22 15:22:44       CRI

Nanning, Guangxi – Inilunsad ng Pilipinas bilang charm city nito ang Puerto Princesa ng Palawan sa ika-8 CAExpo.

Mga larawan sa loob ng pablyon ng Puerto Princesa bilang charm city

Sa panayam ng Serbisyo Filipino kay Felisa Torres, Presidente ng City Tourism Office ng Puerto Princesa, sinabi niya na talagang maeengganyong magpunta ang mga turista sa naturang lunsod dahil sa underground river nito.

Aniya, (talagang maeengganyo sila dahil ang underground river ay isang 8.2 kilometer river, navigable under the cave. It's the only underground river, found, not only in Asia but throughout the world. Kaya nga, napasok siya bilang isa sa mga finalist ng 7 new wonders of the world ).

Idinagdag pa niya na maliban sa pagiging maganda ng underground river ng Palawan, napakaganda rin ng bio-diversity ng naturang lugar. Marami ang mga ibat-ibang klaseng buhay ang matatagpuan at kakaiba ang mga ito sa mga nakikita sa ibang mga kagubatan at ilog sa buong mundo.

Sinabi naman ni Ma. Corazon Timones, Supervising Tourism Officer ng Puerto Princesa na, maliban sa napakagandang tanawin at biodiversity ng underground river, ito rin ang kauna-unahang navigable underground river sa mundo.

Idinagdag pa niyang (Mayroon pang makikita ngayon, iyong laventa groove, puwede pa palang pumasok doon, may inner cave pa pala na puwedeng mapuntahan. At the same time, marami kaming mai-o-offer na magagandang mga islets, marami kaming mai-o-offer na masasarap na pagkain, magaganda na rin ang mga accommodations naming ngayon. So, with all the comfort, all the entertainment, and also the eco tourism activities can be found in Puerto Princesa).

Maliban sa lahat ng ito aniya, kayang-kaya ng Palawan na tanggapin ang bulto ng mga turistang nais dumalaw dito dahil sa mga akomodasyon at imprastrukturang itinayo ng lokal na pamahalaan ng lunsod.

"Sa pamamagitan ng pagsisiskap ng Mayor nitong si Edward S. Hagedorn, ang kalinisan, amenidad, at iba pang pasilidad para sa mga turista ay maisisigurado ng Puerto Princesa," dagdag ni Timones.

Nang tanungin naman si Torres hinggil sa seguridad, sinabi niyang, "sa larangan ng peace and order, nangunguna po ang Puerto Princesa City sa Pilipinas."

Idinagdag pa ni Torres na napakaganda ng resulta sa pagsali ng Pilipinas sa Puerto Princesa bilang charm city nito sa ika-8 CAExpo, at marami na rin ang mga nagpalista upang dumalaw rito dahil na rin sa murang halaga ng presyo.

Inimbitahan din nina Torres at Timones ang lahat ng mga mamamayan ng Tsina at ASEAN na dalawin ang napakagandang lunsod ng Puerto Princesa upang lasapin at damihin ang mga amenidad at kagandahang taglay nito.

Ang Puerto Princesa ay siyang punong lunsod ng lalawigan ng Palawan ng Pilipinas na nasa gawing Timog Silangan ng Luzon. Ito ay napaliligiran ng napakagagandang beaches, kabilang na ang underground river na kasali bilang finalist ng new 7 wonders of the world.

Bukod sa underground river, marami ang iba pang panturistang destinasyon at aktibidad sa Puerto Princesa na gaya ng Mangrove Paddle Boat Tour, Dolphin and Whaleshark Watching, Ugong Rock Spelunking and Zipline, Iwahig Firefly Watching, San Carlos Floating Restaurant, Maoyon River Cruise, at marami pang iba.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>