Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tagumpay ng Ika-8 CAExpo, inaasahan (audio report)

(GMT+08:00) 2011-10-24 14:44:04       CRI

Ipinahayag kahapon ni Rowena S. Genete, Senior Agriculturist ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) ng Pilipinas na maganda at mukhang mas matagumpay ang CAExpo ngayong taon kumpara noong nakaraan.

Panayam kay Rowena. Genete, Senior Agriculturist ng Kagawaran ng Agrikultura

Sa panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi niyang mas marami at buhos ang mga taong nagppupunta ngayon sa naturang aktibidad.

Bukod pa riyan, ang bilang ng mga Pilipinong exhibitors ay nasa 27 ngayong taon, di hamak na mas marami kaysa noong isang taon, dagdag niya.

Maganda rin aniya ang prospek ng mga gustong mamuhunan sa Pilipinas, lalo na sa mga produktong agrikultural.

Nang tanungin siya ng Serbisyo Filipino kung mayroon nang estadistika kung gaano na karami ang mga nagpahayag ng intensyong mamuhunan sa Pilipinas, sinabi niyang wala pa sa ngayon dahil hindi pa kumpleto ang mga detalye, pero, binigyang-diin niya na sa kanyang obserbasyon, mukhang maganda ang magiging resulta ng ika-8 CAExpo para sa Tsina at ASEAN, partikular sa Tsina at Pilipinas.

Inaasahan niya aniya ang pagtatagumpay ng ika-8 CAExpo.

Panayam kay Karol Ann. Antonio, Industrial Design Specialist ng Department of Trade and Industry

Sa kabilang dako, nakapanayam din ng Serbisyo Filipino si Karol Ann P. Antonio, Industrial Design Specialist ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Pilipinas at sinabi niyang napakaganda ng nakikita niya sa ngayon at malaki ang prospek ng pagtatagumpay ng ika-8 CAExpo.

Ani Antonio, ito ang kanyang unang beses na magpunta sa bansang Tsina at natutuwa siyang makita ang bulto ng mga taong interesado sa mga produktong Pinoy.

Si Binibining Antonio ang siyang nagdisenyo ng exhibition hall ng Pilipinas sa naturang aktibidad.

Sa paglilibot ng Serbisyo Filipino, kapansin-pansing napakarami ng mga taong dumadalaw sa mga booth ng mga produktong Pinoy, marami rin ang bumibili at interesado sa prospek ng pagtatayo ng ganitong negosyo sa Tsina.

Nakahakot din ng maraming pansin sa mga mamimili ang maskot ng Ehje's Peanut Butter, isa sa mga exhibitor ng Pilipinas. Isang nagngangalang "Sweet" (di-tunay na pangalan) ang nakasuot ng damit na mukha at hugis mani na gawa sa mga natural na materyales na galing Pilipinas, gaya ng abaca, bao ng niyog at iba pa.

Patok din sa mga mamimili ang mga produktong gaya ng langis ng niyog o iyong tinatawag na virgin coconut oil, produktong kape, sapatos, pili nuts at marami pang iba.

Isa pang nakakakuha ng atensyon sa mga tao ay iyong pabilyon ng Pilipinas sa city of charm kung saan ibinibida ng Pilipinas bilang pambato nito ang Puerto Princesa City.

Sa naturang pabilyon, makikita ang mga larawan ng underground river sa Palawan at ibat-iba pang mga imprastruktura at amenidad na maaring subukan ng mga gustong dumalaw sa naturang lugar.

Ang underground river ng Palawan ay isa sa mga finalist ng seven new wonders of the world.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>