Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isang balik-tanaw sa CAExpo-Puno ng pino, simbolo ng matatag na pagkakapit=bansa ng Tsina at ASEAN(audio report) 

(GMT+08:00) 2011-10-25 14:27:39       CRI

Ang panahon ng pagdaraos ng China-ASEAN Exposition o CAExpo taun-taon ay nakapagdulot na ng napakaraming pagsulong sa Tsina at mga bansang ASEAN, pangunahin sa mga ito ay ang bilyun-bilyong dolyares na pag-angat sa kalakalan ng dalawang panig.

Simula nang itatag ang CAExpo noong taong 2004, lalong tumibay ang pagkokoordinahan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa larangan ng pagnenegosyo, kultura, pagpapalitan ng mga mamamayan, at marami pang iba.

Ang pagsasagawa ng CAExpo ay laging kasabay din ng pagdiriwang ng anibersaryo ng dialogue partnership ng Tsina at ASEAN, na siyang naging dahilan ng lalo pang pagpapahigpit ng bigkis ng dalawang panig bilang mga magkakapit-bansa sa kontinenteng Asya.

Ang CAExpo rin ay may napakaimportanteng papel sa pagtatatag ng China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA na maisasaoperasyon sa mga susunod na taon. Talaga namang malayo na ang narating ng aktibidad na ito sa pagpapasulong ng pag-unlad sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN.

Pero, alam ba ninyo, na noong panahon ng ikatlong CAExpo noong 2006, kung kalian ipinagdiwang ang ika-15 anibersaryo ng dialogue partnership ng Tsina at ASEAN, ay may mga puno ng pino na itinanim bilang simbolo ng mahigpit na pagkakaibigan at matatag na relasyon ng dalawing panig?

Dahil sa napakaimportnteng kaganapang ito, dumalo sa naturang CAExpo ang mga pinakamataas na lider ng Tsina at ASEAN, kabilang sa mga ito ay sila Premyer Wen Jiabao ng Tsina, Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ng Pilipinas, Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei, Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, Presidente Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesia, Punong Ministro Bouasone Bouphavanh ng Laos, Punong Ministro Haji Ahmad Badawi ng Malaysia, Punong Ministro Soe Win ng Myanmar, at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.

Sa seremony ng pagbubukas ng naturang CAExpo at bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng dialogue partnership ng Tsina at mga bansang ASEAN, napiling itanim ng mga naturang lider ang isang espesyal na uri ng pino o pine tree kung tawagin sa wikang Ingles na kayang mabuhay ng libu-libong taon.

                       

Ito anila ay upang ipakita sa buong mundo ang pangmatagalan at sustenableng pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig.

Ang kaganapang ito ay naging isa sa pinakamahalagang bahagi ng naturang CAExpo; ito rin ay umani ng pansin buhat sa ibat-ibang organisasyon ng media sa buong daigdig.

Ngayong taon ay ang ika-8 CAExpo na at ang ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng Tsina at ASEAN. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang Serbisyo Filipino upang makapunta sa Li Yuan, lugar na pinagtamnan ng mga puno at kumustahin kung ang mga ito ay malalaki na.

Kapansin-pansing ang mga naturang puno ay talagang nagsiusbungan na at karamihan sa mga ito ay halos 7 piye na ang laki. Mapapansin ding talagang pinagtuunan ng pansin ng pamahalaang Tsino ang pangangalaga sa mga ito, at mayroong mga pangalang nakakabit ang mga bansang nagtanim sa mga ito.

Nagbiro pa nga ang isang mamamahayag na Pilipino habang pinagmamasdan ang puno ng Pilipinas. Aniya, napansin niyang medyo maliit ang puno ng Pinas, baka daw dahil maliit ang taong nagtanim nito, habang pinatutungkulan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kabilang dako, kasabay ng patuloy na pag-usbong at pagyabong ng mga puno ng pino, patuloy ding umusbong at tumibay ang pagkakaibigan at pagkokoordinahan ng Tsina at ASEAN, at patuloy pa itong titibay at uunlad sa paglipas ng panahon. Ito ay simbolo na ang mga pangyayari noong taong 2006 ay dapat alalahanin at isaisip dahil ito ang nagsilbing pundasyon sa ating kasaganaan sa kasalukuyan at pag-unlad sa hinaharap.

/end/Ernest/Rhio//

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>