Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, isang malaking merkado para sa Pinas (audio report)

(GMT+08:00) 2011-10-26 14:29:58       CRI

Panayama ng Serbisyo Filipino kay Jose M. Mulato (kaliwa) ng Department of Trade and Industry ng Pilipinas

"Ang Tsina ay hindi competitor, kundi isang merkado." Ito ang ipinahayag kaninang umaga ni Jose M. Mulanto, opisyal ng Special Projects Division ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Pilipinas.

Sa panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi ni Mulanto na kadalasan ay itinuturing ng maraming Pilipinong mangangalakal na kakumpetensya ang Tsina. Binigyang-diin niyang hindi kakumpetensya ng Pilipinas ang Tsina, kundi isang magandang merkado, kung saan makakapagdala at maipapakilala ng maraming mangangalakal na Pilipino ang kanilang mga produkto.

Sinabi pa niyang, marami sa mga mangangalakal na Tsino ang interesado sa mga produktong Pinoy at malaki ang potensyal ng merkado ng Tsina na tangkilikin ang mga ito.

Aniya, (Kaya, inaanyayahan ko ang bawat manufacturer ng Pilipinas, at saka hindi lang manufacturer, pati na rin iyong ibang mga investor, na makakahanap sila ng mga ka-partner nila dito, na bibili ng mga produkto nila dito, kaya, napapanahon na tayo ay mag-promote na sa Tsina para hindi tayo maiwanan ng ibang mga bansa ng ASEAN).

Idinagdag pa ni Mulanto na tagumpay ang partisipasyon ng Pilipinas sa ika-8 China-ASEAN Exposition o CAExpo at inaabangan na ng mga Pilipinong exhibitor ang ika-9 na CAExpo.

Idinagdag niya na lahat ng mga exhibitor ng ika-8 CAExpo ay nagpareserba na ng puwesto para sa ika-9 na CAExpo.

Dagdag niya, (And for next year, since it will be the preparatory for the 10th CAExpo, kung saan ang Pilipinas ang magiging country of honor, at saka since 10th iyon, it will be the grandest CAExpo ever, and since the Philippines will be the country of honor that year, we are looking at a one whole hall to occupy).

Aniya, sa ngayon ay mayroong 26 na kompanyang Pinoy ang sumali at sa susunod na taon, inaasahang aaboit sa 50 hanggang 80 ang mga kompanyang Pinoy ang mabibilang sa ika-9 na CAExpo.

Sa ika-10 CAExpo, dadag niya, inaasahang papalo sa 120 ang mga exhibitor na Pinoy.

Hinggil naman sa mga produktong Pinoy, sinabi niyang maraming mga mangangalakal mula sa ASEAN at Tsina ang interesadong magnegosyo at mag-invest sa mga ito, kabilang diyan ay ang mga fashion accessories, pagkain at palamuti sa bahay.

Ginawa pa niyang halimbawa iyong polvoron o iyong tsokovron na may sangkap na durian. Sinabi niyang "noong una ay inisip ng exhibitor nito na baka hindi ito tangkilikin, kaya kaunti lamang ang dinala nila, pero ito ang nakakuha ng pinakamalaking order."

Iyon namang banana chips aniya, tuwang tuwa rin ang exhibitor nito dahil pupunta mismo iyong interesadong kompanya sa Pilipinas upang tingnan ang kapabilidad nilang magsuplay ng ganitong produkto sa pangmalakihang bolyum.

Sa mga fashion accessories naman, idinagdag ni Mulanto na iyong mga produkto nila ay ilalagay na sa mga eskaparate ng mga tindahan dito sa Tsina.

Talagang masaya aniya ang mga exhibitor na Pinoy, dahil pagkatapos nitong CAExpo ay inaasahang magiging tuluy-tuloy ang daloy ng mga order at pangangailangan para sa mga naturang produkto.

Ipinahayag pa niya na matagumpay na matagumapay ang ika-8 CAExpo.

Aniya, (CAExpo, keeps on growing. For the past CAExpos --- I have been to a CAExpo once before, tapos, pagbalik ko rito, nakita ko iyong malaking pagbabago ng CAExpo and how iyong bilang ng mga trade visitor ay dumarami. Even investors are going to CAExpo to actually talk to different agencies para makapag-invest. Katulad kahapon, mayroong investor na nag-a-aspire na magpunta ng Pilipinas, nagtatanong kung sino ang puwedeng makausap tungkol sa investment, hindi lamang sa agrikultura, pati na rin sa industriya na katulad ng pagmimina ng bakal; iyong iron melting at pagkuha ng hilaw na mineral. Mayroon ding kaunti sa mining, but, more on agriculture).

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>