Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulo ng Vietnam, nasa tatlong araw na pagdalaw sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2011-10-26 18:37:29       CRI

DUMATING kaninang ala-una ng hapon sa Vietnamese President Truong Tan Sang sa Bulwagang Kalayaan sa loob ng Villamor Air Base para sa tatlong-araw na pagdalaw sa Pilipinas.

Ang 62-taong gulang na pinuno ng Vietnam ay lulan ng isang arkiladong Vietnam Airlines flight at sinalubong ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Manila International Airport Authority General Manager Jose Angel Honrado. Si Pangulong Truong ang kauna-unahang pinuno ng mga bansang kasapi sa ASEAN na dumalaw mula ng manungkulan si Pangulong Aquino.

Ang kanyang pagdalaw ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-35 taong pagkakaibigan ng Vietnam at Pilipinas. Nakatakda silang mag-usap ni Pangulong Benigno S. Aquino tungkol sa naging kasunduan ng Vietnam at Tsina.

Makikipag-usap din si Pangulong Truong Tan Sang sa mga mangangalakal at mga kalalapit na kaibgan ng kanyang bansa. Nakatakda rin siyag dumalaw sa International Rice Research Institute sa Los Banos, Laguna.

Pagbomba sa pinaghihinalaang kuta ng MILF, isinagawa na

HUMANTONG na sa ikalawang araw ang pagbomba ng mga eroplano ng Philippine Air Force sa pinagkukutaan ng mga rebeldeng kabilang sa Moro Islamic Liberation Front. Ang pagbombang ito ay sinabayan na rin ng pagsalakay ng mga kawal. Lumikas na ang may 14,000 mga mamamayan.

Personal na nagtungo ang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines General Eduardo Oban sa Lungsod ng Zamboanga upang pamunuan and "air and ground assault" laban sa mga pakawalang miyembro ng MILF, isang araw matapos mag-utos si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na magsagawa ng paghahanap sa mga pumaslang sa 19 na mga kawal sa Basilan noong ika-18 ng Oktubre.

Sinabi ni General Oban na siya'y nasa Mindanao upang gawin ang mga kautusan na maging operational goals. Ito ang kanyang mensahe sa mga kawal na nasugatan at nasa pagamutan sa Zamboanga City. Target din nila ang iba pang "lawless elements" sa Payao, Zamboanga Sibugay province.

Ayon naman kay Social Welfare Secretary Corazon Juliano Soliman, umabot na sa 5,500 katao ang nagsilikas tungo sa mas ligtas na pook sa Zamboanga-Sibugay at may 8,500 katao naman ang nagsilikas mula sa kanilang mga tahanan sa Basilan. Ang mga nagsilikas na nasa pansamantalang mga tahanan ay binigyan na rin ng mga pagkain.

SAMANTALA, nagprotesta naman ang Moro Islamic Liberation Front sa ginawang mga pagsalakay sapagkat labag umano ito sa itinatadhana ng kasunduan. Mga tauhan na umano nila ang target ng militar. Ito ang pahayag ng tagapagsalita ng MILF na si Von Al Haq.

Palabas lamang umano ang sinasabing paghahabol sa mga lawless elements samantalang mga tauhan nila ang ginigipit.

Dahilan umano sa pagsalakay na ito, hindi na natuloy ang pagdalaw ng International Monitoring Team na pinamumunuan ng Malaysia.

Tripoli Agreement, pinagbabalik-aralan na

MATAPOS batiin ng Pamahalaan ng Pilipinas ang mga taga-Libya matapos ang pagpapabagsak sa rehimen ni Moammar Ghaddafi, pinag-aaralan na ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng Moro National Liberation Front na nilahukan ng mga kabilang sa Quadripartite Ministerial Commission ng Islamic Conference at ng Secretary General ng Organization of Islamic Conference.

Ito ang aking nabatid kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario nang kami'y magkausap sa isang pananghaliang kanyang inihanda para sa mga honorary consul ng iba't ibang bansa sa kandidatura ni Senador Miriam Defensor Santiago para makabilang sa International Criminal Court.

Ani Kalihim Del Rosario, kanilang sinusuri ang nilalaman ng kasunduan bagama't ipinaliwanag niyang tuloy pa rin ang pagkilala ng magkabilang panig sa nilalaman ng Tripoli Agreement na nilagdaan noong ika-23 ng Disyembre 1976.

Himpilan ng radyo, sinunog

SINUNOG ng mga hindi pa nakikilalang tao ang himpilan ng radyong DZVT na pag-aari ng Simbahang Katolika sa San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang himplan ng radyo sa Barangay Labangan Poblacion ay sinunog ng mga hindi pa nakikilalang tao. Ayon sa police report na natanggap ng CBCP Media Office, si Lito Villador, DZVT station manager ay humiling ng tulong sa pulisya matapos malaman ang insidente.

Sina Fire Officer 2 Edgardo Salvacion at Police Chief Inspector Teresita Catchillar ang nagsagawa ng pagsisiyasat. Nagsimula umano ang sunog mga ala-una ng madaling araw. Nagising na lamang sina Takip Sebastian at Alfedo Salvador ng magsimula ang sunog. Natupok ng apoy ang ari-ariang aabot sa halagang P 2.8 milyong piso.

Wala pang pahayag sina San Jose, Mindoro Bishop Antonio Palang at mga kasapi ng himpilan hanggang sa sinusulat ang balitang ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>