Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Minister of state ng pransya, dumalaw sa pilipinas

(GMT+08:00) 2011-10-28 18:19:53       CRI

DUMALAW ng tatlong araw sa Maynila mula noong Martes hanggang kahapon si Ginoong Edouard Courtial upang dalawin ang mga kabilang sa French community at makipag-usap sa kanyang mga kapwa opisyal sa Pilipinas.

Si Ginoong Courtial ang kahihirang na Minister of State na nagangasiwa sa mga Pranses na nasa iba't ibang bansa. Binigyang halaga ni Ginoong Nicolas Sarkosy ang mga Pranses na nasa iba't ibang bansa. Ang special protection ang nangungunang biyayang naibibigay sa mga Pranses saan mang bahagi ng mundo.

Ayon kay Ginoong Courtial, maganda ang relasyon ng Pilipinas at Pransya at nakikita ito sa magandang samahan ng mga mamamayan ng dalawang bansa na nagkasundo sa pagtatayo ng isang French School para sa mga anak ng mga Pranses na nasa PIlipinas at mga anak ng mixed marriages, o pag-iisang dibdib ng mga Pranses sa mga Pilipino.

Sa kanyang pagdalaw sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, nakausap niya sina Undersecretary Esteban Conejos at Rafael Seguis. Binanggit nng dalawang opisyal na Pilipinong nagmula sa DFA, na ligtas ang mga Pranses sa PIlipinas.

PANGALAWANG PANGULO NG PILIPINAS, PABALIK NA, MAY KASAMANG MGA MANGGAGAWANG STRANDED SA GITNANG SILANGAN

NAKATAKDANG dumating ngayong gabi si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay matapos makipaglibing sa yumaong crown prince ng Saudi Arabia at may kasama ring 18 mga overstaying Filipino workers sa Saudi Arabia at United Arab Emirates.

Si Ginoong Binay ang kinatawan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa libing niu Crown Pri8nce Sultan bin Abdel Azziz al Saud.

Mayroon umanong 901 mga overstaying Filipinos sa Kuwait at Saudi Arabia ang naiuwi na ni Ginoong Binay sa kanyang pagdalaw sa mga bansang nabanggit.

KALIHIM SOLIMAN DUMALAW NA SA MINDANAO

NAGTUNGO na sa Mindanao si Kalihim Corazon Juliano Soliman sa Zamboanga-Sibugay upang suriin ang mga nagaganap doon, partikular na ang pagdalaw sa mga evacuation centers na umabot na sa labingsiyam.

Patuloy na nagbibigay ng pagkain ang pamahalaan sa mga evacuees sa Albarka, Basilan, Payao, Talusan at Alicia sa Zamboanga-Sibugay sa pagpapatuloy ng military offensive sa pinagkukutaan ng mga rebelde.

Mayroon ding salapi para sa cash for work na nagkakahalaga ng siyam na milyong piso. Mayroon ding inilabas na P 5 milyon ang pamahalaan para sa biglaang pangangailangan.

Umabot na sa sampung libong mamamayan ang pansamantalang naninirahan sa kanilang mga kamag-anak. Obligado pa rin ang pamahalaang daluhan ang kanilang mga pangangailangan.

MGA PINOY, NAGHAHANDA NA PARA SA MATAGAL NA BAKASYON

UNTI-UNTI ng lumuluwag ang mga lansangan sa Metro Manila, bukod sa semestral break, marami ang magtutungo sa kani-kanilang lalawigan dahilan sa matagal na bakasyon.

Tradisyon na sa Pilipinas ang paggunita sa mga yumao sa pamamagitan ng "All Saints' at 'All Souls' Days" tuwing una hanggang ikalawang araw ng Nobyembre. Nagkataong naipit ang Oktubre 31, ideneklara na ring fiesta official sa buong bansa ang huling araw ng Oktubre.

Sa pagkakataong ito, puno na ang mga bus, eroplano at mga barko patungo sa labas ng Maynila.

Karaniwan nang nag-aalay ang mga Pilipino ng mga panalangin, kandila at mga bulaklak sa mga puntod ng mga yumaon na. Maraming mga Pilipino ang dadagsa sa mga sementeryo mula bukas hanggang sa ikalawang araw ng Nobyembre, ang itinakdang araw ng Simbahang Katolika para sa mga kaluluwa.

 

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>