|
||||||||
|
||
MARAMING programa ang inihahanda ng National Union of Journalists of the Philippines para sa ikalawang anibersaryo ng madugong Ampatuan Massacre na ikinasawi ng 57 katao, kabilang na ang mga mamamahayag na umabot sa 35 katao.
Kabilang sa mga nakatakdang gawin ay ang National Conference on Media Safety sa General Santos City mula ika-20 hanggang ika-21 ng Nobyembre na katatampukan ng mga datos tungkol sa mga mamamahayag na napaslang. Dadalaw ang mga mamamahayag at mga kamag-anak ng mga biktima sa pook na pinangyarihan ng masaker sa ika-22 ng Nobyembre.
Magkakaroon ng sabay-sabay na pagkilos ang mga kasapi ng NUJP sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Ang mga Pilipinong mga mamamahayag na nasa Dubai, Canada at Estados Unidos ay magkakaroon din ng NUJP photo exhibit. Magpapalipad ng mga saranggola ang mga pamilya ng mga biktika sa University of the Philippines' Sunken Garden.
Isang misa ang inaasahang iaalay sa gunita ng mga napaslang sa Ampatuan Massacre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |