|
||||||||
|
||
MAKAKAHARAP at makakadaupang-palad ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang kanyang mga kapwa pinuno ng mga bansang kabilang sa Association of South East Asian Nations, kasama rin ang mga pinuno ng Australia, China, India, Japan, New Zealand, Republic of Korea, Russie, ang Estados Unidos at ang United Nations Secretary-General Ban Ki Moon sa ika-19 ng ASEAN Summit mula ika-17 hanggang ika-19 ng Nobyembre sa Bali, Indonesia.
Makakausap niya ang kanyang counterparts sa 19th ASEAN Summit sa ika-17 ng Nobyembre at dadalo rin sa mga related summit tulad ng ASEAN-China Commemorative Summit, 14th ASEAN-Japan Summit, 14th ASEAN-ROK Summit, 14th ASEAN Plus Three Summit, and 3rd ASEAN-US Leaders Meeting, ang 4th ASEAN-U. N. Summit ang 6th East Asia Summit.
Isusulong umano ni Pangulong Aquino ang mga paninindigan ng Pilipinas para sa ASEAN upang maipatupad ang nilalaman ng ASEAN Charter. Ang mahahalagang paksa ay ang Maritime Security/Zone of Peace. Freedom, Friendship and Cooperation. Non-Proliferation, Food Security, Disaster Management, Connectivity, Biodiversity, Migrant Workers Protection, Drug Trafficking, Human Rights, Trafficking in Persons at Edukasyon.
TSINA, TUMULONG SA MGA BINAGYO
IPINARATING ni Ginoong Bai Tian, Charge D'affaires ng Embahada ng Tsina ang $ 30,000 na ambag ng Chinese Red Cross sa Philippine National Red Cross upang makatulong sa mga biktima ng mga nakalipas na bagyo.
Dumalaw si Ginoong Bai sa Disaster Management Center at National Blood Center ng Philippine National Red Cross at kinausap si PNRC Secretary-General Gwendolyn Pang sa mga posibleng pagtutulungan ng Chinese Red Cross at ng Philippine National Red Cross.
Naganap ang simpleng turn-over noong nakalipas na Hwebes, ikatlo ng Nobyembre.
BAGONG PINUNO NG HUKBONG KATIHAN, PINANGALANAN NA
IPINALABAS na ng Office of the Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nakatakda nang pangalanan si Major General Emmanuel Bautista bilang bagong pinuno ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. Si Heneral Bautista ang ika-54 na pinuno ng pinakamalaking bahagi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Siya rin ang pangalawang Army commanding general na nahirang sa ilalim ni Pangulong Beningo Simeon C. Aquino.
Si General Bautista ang commanding general ng 3rd Infantry Division at nangangasiwa sa internal peace and security operations sa buong Western Visayas at mga lalawigan ng Negros Oriental at Siquijor sa Gitnang Kabisayaan.
Kabilang siya sa Philippine Military Academy Class '81 at nag-aral din sa Joint and Combined Warfighting Course sa Virginia, USA at iba pang mga bantog na paaralan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |