|
||||||||
|
||
BINIBIGYAN ng prayoridad ng Pamahalaan ng Pilipinas ang kaligtasan at ikabubuti ng mga nangingibang-bansang mga mamamayan at patuloy ang pakikipagtulungan ng ehekutibo sa lehislatura at iba pang maituturing na stakeholders sa mahalagang usaping ito.
Ayon kay Kalihim Albert F. Del Rosario, ang Republic Act (RA) 10022 ng taong 2009 na sumusog sa Republic Act No. 8042 na kilala sa pamagat na Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 na nagkabisa noong ika-8 ng Marso, 2010, gagawin lamang ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa mga bansang mayroong kaukulang proteksyon para sa mga manggagawa.
Sa pagpapatupad ng batas na ito, noong ika-28 ng Oktubre, ang Philippine Overseas Employment Administration ay nagpalabas ng bahagi ng talaan ng mga bansa. Naniniwala ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas na may mga sapat na dahilan upang huwag munang umaksyon base sa talaan ng mga bansa,
Ang talaang ito ay walang anumang layuning husgahan ang alinmang bansa at ito'y isang sukatan para sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan na kumilos upang mai-angat at maisulong ang kaligtasan, kabutihan at kalagayan ng mga manggagawang nasa paghahanapbuhay.
Kailangan umano ang pagkakaroon ng sapat na pakikipag-usap sa mga bansang ito sapagkat makatutulong ito sa mga manggagawang Pinoy na naroroon na at sa mga nagbabalak na maghanapbuhay sa mga bansang nasa talaan ng DFA.
Tiniyak ni Kalihim del Rosario na gagawin nila ang lahat upang maipagtanggol ang mga mangagawang nasa ibang bansa.
Ang maayos at magandang relasyon sa lahat ng mga bansa ang magbibigay ng pagkakataong pagtulungan ang ikabubuti ng mga mangagawang nasa ibang bansa.
Ayon sa pinakahuling datos ng pamahalaan, umaabot sa sampung por siyento ng buong mga mamamayan ang nasa iba't ibang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |