|
||||||||
|
||
Mga kaberks, noong nakaraang linggo ay naikuwento ko sa inyo ang tungkol sa bayan ng Yangshuo sa Lunsod ng Guilin. Para sa ating episode sa linggong ito, pag-usapan naman natin ang tungkol sa pagkain; alam ko, marami sa atin ang mahilig dito, lalung-lalo na ako at si Pareng Ernest.
Kasabay ng aming pagkober sa ika-8 China ASEAN Exposition o CAExpo sa Lunsod ng Nanning, nagkaroon din ako ng pagkakataon na bisitahin ang Zhong Shan Lu o Sun Yat Sen Street. Dito, sari-sari at kakatuwa ang aking mga nakita.
Ang Sun Yat Sen Street ay isang kalye sa Lunsod ng Nanning na hango sa pangalan ng unang pangulo ng Tsina na si Dr. Sut Yat Sen: Isa itong mahabang kalye na puno ng tindahan ng mga pagkain; mga pagkain na tradisyunal lamang na makikita sa katimugang Tsina.
Sari-saring mga prutas, mga ibat-ibang uri noodles, at lamang dagat ang aming natsibog ni Pareng Ernest, at bukod pa diyan, talaga namang nakakaengganyong maglakad dito, dahil pinaaalala nito sa akin ang ating mga mumunting tiyangge sa Pilipinas, lalo na ngayong papalapit ang panahon ng Kapaskuhan.
Narito ang ilan sa mga larawang nakuha ko habang naglilibot sa lugar na ito. Kung mayroon kayong sapat na panahon, inirerekomenda ko sa inyong bisitahin ang lugar na ito at siguradong hinding-hindi kayo magsisisi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |