Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ambag ng mga tsino sa pilipinas, kapuri-puri, ani pangalawang pangulong jejomar c. Binay

(GMT+08:00) 2011-11-14 19:00:46       CRI

MALAKI ang naging kontribusyon ng mga Tsino sa pagpapalago ng kalakal at pagpapayabong ng kultura ng Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa panunumpa ng mga pinuno ng Shandong Association of the Philippines, sinabi ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na bagama't hindi pa siya nakararating ng Shandong, marami na siyang narinig ng kwento tungkol sa mga batikang sina Confucius at Mencius.

Sinabi ni Ginoong Binay na bilang isang mag-aaral ng pamamahala at karunungan, isang malaking prebilehiyo na makarating sa Shandong sa mga susunod na panahon.

Ayon sa pangalawang pangulo, sa kanyang pagdalaw sa Tsina bilang sugo ni Pangulong Benigno Aquino kamakailan upang hingin ang pagpapatawad sa tatlong bilanggong Pilipino, kahit pa itinuloy ang kaparusahan, ay nagpapasalamat pa rin siya na hindi muna ipinatupad ang hatol na kamatayan.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, nakita kung paano naka-ambag ang kultura ng mga Tsino sa maraming anyo ng buhay Pilipino.

Kabilang sa mga ito ay ang work ethic ng mga Tsinoy kahit sa mga paaralan at buhay propesyunal, nakikita ang pagiging matiyaga sa pag-aaral. Ang mga pagpapahalagang ito ay sinasabayan pa rin ng paggalang at pagkilala sa mga magulang. Ang mga ito ang siyang nagpatibay sa pagsasama-sama at pagkakaisa sa harap ng napakaraming hamon. Kitang-kita umano ito kahit pa maraming suliranin ang pandaigdigang kalakal.

Sa kanyang pagbigkas ng isa sa mga pahayag ni Confucius mula sa Analects, "When a nation is well governed, poverty and a mean condition are things to be ashamed of." At bilang isang opisyal ng pamahalaan, nahihiya siyang ibalita na halos tatlumpu't tatlong porsiyento ng mga mamamayan ang sadlak sa kahirapan. Halos tatlong milyon ang walang hanapbuhay. Ang pandaigdigang financial environment ay hindi nakapaglitas sa Pilipinas sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin samantalang pinagtatangkaan ng pamahalaan ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga mamamayan nito.

Sa abot umano ng kanyang kakayahan, ginagampanan niya ang mga obligasyon sa larangan ng pabahay, suliranin ng mga overseas Filipino workers, human trafficking at illegal recruitment.

Ayon kay Ginoong Binay, sa Asya matatagpuan ang "center of learning and trade" sa nakalipas na ilang daang taon at ang Tsina at India ang minsan pang mamumuno sa daigdig sa mga susunod na dekada.

U.S. SECRETARY OF STATE HILLARY CLINTON, DARATING SA MAYNILA

DARATING bukas si US Secretary of State Hillary Clinton upang gunitain ang ika-60 anibersaryo ng paglagda ng Estados Unidos at Pilipinas sa Mutual Defense Treaty at upang ilunsad ang Partnership for Growth sa bansa.

Ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, ang pagdalaw ni Kalihim Clinton ay bahagi ng palatuntunan ni US President Barck Obama na pasiglahin at palawakin ang pakikipagkaibigan sa mga bansang nasa Asya-Pasipiko.

Sa kanyang pagdalaw, makakausap niya si Kalihim Alberto F. del Rosario ng Ugyanang Panglabas at Voltaire Gazmin ng Tanggulang Pambansa upang talakyin ang mga mahahalagang paksa bilang paghahanda sa mga pagpupulong sa susunod na taon.

Ayon kay Kalihim del Rosario, sa pagdalaw na ito makikita ang matagalang alyansa at strategic partnership sa pagitan ng dalawang bansa at pagpapakita ng pakikipag-ugnayan ng America sa pinakamaunlad na rehiyon sa daigdig, ang Asya-Pasipiko.

Ang strategic partnership ng dalawang bansa ay magsusulong sa sinasabing mutual objective sa mga lumalagong ekonomiya na nakasalalay sa pagtutulungan sa ilalim ng Partnership for Growth.

Ang PFG ang bagong palatuntunan ng Administrasyong Obama upang palaguin ang potensyal ng Pilipinas sa larangan ng ekonomiya. Isa ang Pilipinas sa apat na bansang kalahok sa ganitong programa ng America.

Napili ang Pilipinas dahilan sa solid track record sa economic performance, democratic governance, investment sa mga mamamayan at tagumpay sa iba pang US Government investments.

MGA PILIPINO, NAG-BUNYI SA PAGWAWAGI NI MANNY PACQUIAO

KASAMA ng Sambayanang Pilipino si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagbati kay Manny Pacquiao na nagwagi sa ikatlong pagkakataon laban kay Juan Manuel Marquez sa Las Vegas, Nevada kahapon ng umaga, oras sa Pilipinas,

Nagwagi ang "pound-for-pound boxer" na si Manny Pacquiao sa pagtatanggol ng kanyang World Boxing Organization Welterweight belt.

Kinausap ni Pangulong Aquino si Ginoong Pacquiao sa pamamagitan ng telepono pagkatapos ng kampeonato.

Ayon kay Pangulong Aquino, muling ipinamalas ni Manny ang tatag at lakas ng Pinoy sa buong mundo. Taos-puso umano siyang nagpapasalamat kay Manny sa walang-humpay na paghahatid ng karangalan para sa bayan.

Nakita na naman umano ng taongbayan ang disiplina at dedikasyon sa kanyang larangan at nagpatunay na namang hindi nadadaan sa suerte at tsamba ang taong nais magwagi sa buhay.

Idinagdag pa ng Pangulo na higit na manumbalik ang sigla at lakas at bilang halimbhawa ng katatagan ng lahing Pilipino. Hangad din ni Pangulong Aquino na higit pang magtagumpay si Manny Pacquiao sa mga susunod na panahon.

Sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, nagpaabot din sila ng pagbati sa kanilang kasamahang mambabatas na tanyag na boksingero. Magugunitang nagmula sa nag-iisang distrito ng Sarangani si Congressman Manny Pacquiao. Nakita umano na mas malakas ang Pilipinong kampeon kaysa sa nakatunggali niyang Mexicano. Ito ang pananaw nina Congressmen Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya, Roger Mercado ng Southern Leyte, Rodolfo Valencia ng Oriental Mindoro at Pedro Romualdo ng Camiguin.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>