Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, bukas na makakadalo sa ASEAN Summit

(GMT+08:00) 2011-11-16 18:49:07       CRI

DAHILAN sa mga suliraning dulot ng balak na pag-alis sa bansa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, hindi makakadalo sa opening ceremonies ng 19th ASEAN Summit na magsisimula ngayong Miyerkoles sa Bali, Indonesia si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Ito ang pahayag ni Communications Secretary Ricky Carandang sa mga mamamahayag sa Bali, Indonesia. Ani Ginoong Carandang, darating si Pangulong Aquino bukas, mga pasado alas dose ng tanghali, upang lumahok sa ASEAN Summit at bilateral meetings na nakatakda.

Hindi makakasama sa Opening Plenary si Pangulong Aquino subalit kasama na sa retreat at iba pang mga pagpupulong, dagdag pa ni Kalihim Carandang.

Ang pinaka-dahilan ng pagkabalam ng paglalakbay ni Pangulong Aquino ay ang mainit na isyu sa Metro Manila, ang pagpigil ni Kalihim Leila De Lima kay dating Pangulong Arroyo at ang kanyang esposo na nagtangkang maglakbay patungo sa Singapore upang magpagamot. Naganap ang insidenteng ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kagabi samantalang kausap ni Ginoong Aquino si US Secretary of State Hillary Clinton.

Ayon sa pinakahuling ulat, hindi na muna maglalakbay sina Pangulong Aquino patungong Singapore ngayon. Bukas na lamang umano itutuloy ang kanilang naudlot na pagbibiyahe.

PILIPINAS AT ESTADOS UNIDOS, LUMAGDA SA "PARTNERSHIP FOR GROWTH"

LUMAGDA sina Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario at United States Secretary of State Hillary Rodham Clinton sa isang Joint Statement of Principles on the Partnership for Growth sa seremonyang idinaos sa Malacanang kanina.

Sinaksihan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang paglagda.

Pinagsama-sama sa PFG ang resources at technical capabilities ng dalawang pamahalaan upang mawala ang mga balakid sa kaunlaran ng Pilipinas.

Sa ilalim ng kasunduang ito, pinakilos na ng Estados Unidos ang labing-limang ahensya nito upang matulungan sa pamahalaan ng Pilipinas sa larangan ng technical at institutional resources upang umunlad ang Pilipinas.

Ayon kay Kalihim del Rosario ang PFG ay pagpapakita ng kalawakan ng pagtutulungan ng Pilipinas at Amerika. Layunin ng kasunduang itong mai-angat ang buhay ng mga karaniwang Pilipino.

Sinabi naman ni Secretary Hillary Clinton na pinahahalagahan ng Estados Unidos ang relasyon nito sa Pilipinas base sa kasaysayan at ekonomiya. Ito umano ang pagpapakita ng katapatan ng America sa layunaning higit na lumakas ang ekonomiya ng Pilipinas.

Ang Pilipinas, ang isa sa apat na bansa at nag-iisa sa Asya na pinili ng America. Ang tatlong iba pang mga bansa ay ang Ghana, El Salvador at Tanzania.

Maganda umano ang track record ng mga bansang ito at katatagpuan din ng democratic governance, investments sa mga mamamayan at tagumpay ng mga kalakal ng Estados Unidos.

Sa kalalabas na pahayag ng U. S. Department of State, mula sa kanilang tagapagsalita, sinabi na ang mga Pamahalaan ng Pilipinas at Estados Unidos ay nakauunawa na ang pagpapayabong ng pagtutunlungan ang magdudulot ng sound investment, sabayang pag-unlad at seguridad, demokrasya at karapatang pangtao. Kinikilala rin ng magkabilang panig na ang kaunlaran ay nangangailangan ng pagtutuon ng pansin sa sustainable outcomes and results, country ownership and responsibility, transparency, mutual accountability. Kabilang din ang pagkilala at pagpapahalaga sa matagal at magandang relasyon ng dalawang bansa.

Ginugunita rin ang pagkakasundo noong ika-28 ng Enero ng taong kasalukuyan na magsama-sama upang mapabilis at matiyak ang broadbased and inclusive economic growth sa Pilipinas sa pamamagitan ng Partnership for Growth matapos ang ibayong pagsusuri upang mabatid ang mga sagabal sa kaunlaran.

Dumating si US Secretary of State Hillary Clinton sa Maynila mga ika-lima ng hapon kahapon at nakatakdang umalis ngayon patungong Bali, Indonesia.

GAMITIN ANG NATIONAL BUDGET UPANG MAIWASAN ANG SOCIAL UNREST AT MAGKAROON NG MAS MATIBAY NA ECONOMIYA

NANAWAGAN si Senador Edgardo J. Angara na gamitin ang national budget ng pamahalaan upang magkaroon ng knowledge-based at innovative-driven economy upang mai-angat ang buhay ng mga mamamayan. Kailangan umanong magkaroon ng may-uring hanapbuhay, maisulong ang competitiveness at magkaroon din ang access sa edukasyon at infrastructure.

Ito ang buod ng kanyang sponsorship speech para sa 2012 National Budget. Ayon sa mambabatas, ang kaguluhan sa larangan ng ekonomiya sa Europa, Japan at maging sa Estados Unidos ay nagdudulot ng problema na nagiging dahilan ng civil unrest. Ani Senador Angara, ito'y dahilan sa social inequality at kakulangan ng maayos na hanapbuhay. Hindi nararapat bale-walain ng kasalukuyang administrasyon ang mga pangyayaring ito, dagdag pa ng mambabatas.

Ang political at social tides na nadarama sa Gitnang Silangan at ang Occupy Movement sa America at Western Europe ay mga indikasyon ng lumalaking kawalan ng tiwala ng mga mamamayan sa mga pamahalaan, sa hirap makatagpo ng hanapbuhay at corruption.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>