Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Kasaysayan] Bilateral na relasyon ng Tsina at Malaysia

(GMT+08:00) 2011-11-17 15:00:13       CRI
1. Bilateral na relasyong pulitikal

Noong ika-31 ng Mayo ng 1974, itinatag ng Tsina at Malaysia ang relasyong diplomatiko. Sapul nang itatag ng dalawang bansa ang relasyong diplomatiko, umuunlad nang matatag ang relasyonng dalawang bansa. Mula noong 1985, isinaayos ng pamahalaan ng Malaysia ang patakaran sa Tsina at tuluy-tuloy na humihigpit ng pagpapalagayan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan. Pagpasok ng ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, pumasok sa bagong yugto ng pag-unlad ang relasyon ng dalawang bansa at komprehensibong isinasagawa ng dalawang bansa ng pagpapalitan at pagtutulungang pangkaibigan sa iba't ibang larangan.

Noong Mayo ng 2004, dumalaw sa Tsina si Abdullah Ahmad Badawi, punong ministro ng Malaysia, sa kanyang kauna-unahang pagdalaw sa labas pagkaraang manungkulan sa tungkulin. Noong ika-28, nakipagtagpo sa kanya si premyer Wen Jiabao ng Tsina. Binigyan ni Wen ng mataas na pagtasa ang relasyon ng Tsina at Malaysia. Sinabi niya na ang taong 2004 ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Malaysia at ito rin ay "Taon ng Pagkakaibigan" ng dalawang bansa. Nitong 30 taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Sa kasalukuyan, nasa pinakamabuting panahon sa kasaysayan ang relasyon ng Tsina at Malaysia na humihigpit ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, humihigpit ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, marami ang kanilang komong palagay sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Ipinahayag ni Wen ang kahandaang magsikap kasama ng panig Pilipino para komprehensibong mapasulong ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa at iniharap niya ang limang mungkahi: 1. Panatilihin ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas at palakasin ang mekanismo ng pagsasanggunian at pagtutulungan ng mga pamahalaan at mga departamento ng dalawang bansa para ibayo pang mapalakas ang kanilang tradisyonal na pagkakaibigan; 2. Palawakin ang komprehensibong relasyon ng pagkakaibigang pangkapitbansaan ng dalawang bansa at pahigpitin ang kooperasyon sa balangkas ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN; 3. Palawakin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa at pabuhitin ang estruktura ng kalakalan para mapanatili ang tunguhin ng mabilis na paglaki ng kanilang bilateral na kalakalan; 4. Palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga larangan, lalung-lalo na ng mga kabataan; 5. Pahigpitin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig at pasulungin ang prosesong pangkooperasyon ng Silangang Asya na gawing pangunahing tsanel ng "10 plus 3" para mapasulong ang pagtatatag ng bagong makatarungan at makatwirang kaayusang pampulitika at pangkabuhayan ng daigdig.

Sinabi naman ni Badawi na nitong 30 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Malaysia, walang humpay na lumalawak at lumalalim ang pagtutulungan ng dalawang bansa, at ito anya ay nagbibigay ng aktuwal na kapakanan sa dalawang bansa. Ipinahayag niyang nakahanda ang kanyang bansa na palakasin ang pakikipagkoordinahan at pakikipagtulungan sa panig Tsino sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Inulit din niya ang patuloy na pananangan ng kanyang bansa sa patakarang isang Tsina.

Noong ika-29 ng Mayo ng 2004, nakipagtagpo rin kay Badawi si pangulong Hu Jintao ng Tsina.

2. Bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at pagtutulungang pangkabuhayan at panteknolohiya

Magkakasunod na lumagda ang dalawang bansa sa mahigit sampung kasunduan ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan na kinabibilangan ng kasunduan hinggil sa pagbabawas ng double-tarrif, kasunduan ng kalakalan, kasunduan ng pangangalaga sa pamumuhunan, kasunduan ng nabigasyon, kasunduan ng abiyayang sibil at iba pa. Noong 1998, itinatag ng dalawang bansa ang magkasanib na lupong pangkabuhayan at pangkalakalan.

Noong 2002, itinatag ng dalawang bansa bilateral na konsehong pang-negosyo. Lumalaki ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa. Noong 2002, ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa ay umabot sa 14.27 bilyong Dolyares na lumaki ng 51.4%. Kabilang dito, ang halaga ng pagluluwas ng Tsina ay 4.975 bilyong Dolyares at ang pag-aangkat naman ay 9.296 bilyong Dolyares na lumaki ng 54.4% at 49.8%. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Malaysia ay naging pinakamalaking trade partner ng Tsina sa mga bansang ASEAN.

Mainam ang pag-unlad ng kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at Malaysia at walang humpay na lumalaki rin ang kanilang pamumuhunan sa isa't isa. Hanggang noong katapusan ng 2002, ang bilang ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong dayuhan sa Malaysia ay umabot sa 97, ang kabuuang halaga ng mga kasunduan ng pamumuhunan ng Tsina sa Malaysia ay umabot sa 72.3 milyong dolyares at ang aktuwal na halaga ng pamumuhunan ay umabot sa 35.7 milyong dolyares. Noong 2002, ang bilang ng mga proyekto ng pamumuhunan ng Malaysia sa Tsina ay umabot sa 319, nakontratang pondo ay umabot sa 790 milyong Dolyares na lumaki ng 67.9% at ang aktuwal na pondo ay umabot sa 370 milyong Dolyares na lumaki ng 39.9%.

Noong 2000, itinatag ng Bank of China at ng Bank of Malaysia ang mga sangay sa Kuala Lumpur at Shanghai. Noong Oktubre ng 2002, nilagdaan ng People's Bank of China at National Bank of Malaysia ang kasunduan hinggil sa pagpapalitan ng salapi.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>