Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Kasaysayan] Bilateral na relasyon ng Tsina at Pilipinas

(GMT+08:00) 2011-11-17 15:02:03       CRI
1. Bilateral na relasyong pulitikal

Noong ika-9 ng Hunyo ng 1975, itinatag ng Tsina at Pilipinas ang relasyong diplomatiko. Sapul nang itatag ng dalawang bansa ang relasyong diplomatiko, umuunlad nang matatag ang relasyong Sino-Pilipino, at madalas ang pagdadalawan ng mga opisyal ng dalawang bansa sa mataas na antas, at itinatag ang mga mekanismong pangkooperasyon sa mga lebel sa pagitan ng dalawang pamahalaan na kinabibilangan ng mekanismo ng pagsasangguniang panlabas. Walang humpay na umuunlad ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang kinabibilangan ng kabuhayan at kalakalan, kultura, siyensiya't teknolohiya, turismo at iba pa, at madalas nang madalas ang kanilang pagpapalitang di-pampamahalaan.

Noong Nobyembre ng 1996, dumalaw si Jiang Zemin, dating Pangulo ng Tsina sa Pilipinas, at sinang-ayunan ng mga lider ng dalawang bansa na itatag ang relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa sa ika-21 siglo, at narating nila ang mahalagang komong palagay hinggil sa isyu ng South China Sea. Noong Mayo ng 2000, lumagda ang magkabilang panig sa "Magkasanib na Pahayag hinggil sa Balangkas ng Bilateral na Kooperasyon sa ika-21 Siglo".

Noong Nobyembre ng 2001, dumalaw si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas sa Tsina. Noong Hunyo ng 2002, ayon sa atas ni Arroyo, itinakda ang ika-9 ng Hunyo bilang "Araw ng Pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina".

Noong unang araw ng Setyembre ng 2004, nakipag-usap dito sa Tsina si Pangulong Hu Jintao ng Tsina kay Arroyo, at malawak na nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa, at narating din nila ang mga mahalagang komong palagay. Ipinahayag ng Pangulong Tsino ang kahandaang magsikap kasama ng panig Pilipino para komprehensibong mapasulong ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa. 1. Panatilihin ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas at palakasin ang mekanismo ng pagsasanggunian at pagtutulungan ng mga pamahalaan at mga departamento ng dalawang bansa para ibayo pang mapalakas ang kanilang tradisyonal na pagkakaibigan; 2. Palawakin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa at pabuhitin ang estruktura ng kalakalan para mapanatili ang tunguhin ng mabilis na paglaki ng kanilang bilateral na kalakalan; 3. Palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga larangang kinabibilangan ng kultura, edukasyon, turismo at iba pa, at pabutihin ang mekanismong pangkooperaston ng dalawang bansa para mabisang mabigyang-dagok ang krimeng transnasyonal; 4. Maayos na hawakan ang mga isyu ng kanilang bilateral na relasyon.

Sinabi naman ni Arroyo na may tradisyonal na pagkakaibigan ang mga mamamayang Pilipino at Tsino. Nanalig ang Pilipinas na bilang isang mapagkaibigang kapitbansa, napakahalaga ng Tsina para sa pag-unlad ng Pilipinas. Ganap na sinang-ayunan ni Arroyo ang naturang mga mungkahi na iniharap ng Pangulong Tsino. Kaugnay ng isyu ng Taiwan, ipinahayag ni Arroyo na buong tatag na mananangan ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina.

Nang mabanggit ang isyu ng pagtatayo ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, ipinahayag ni Hu Jintao na ang pagtatatag ng Tsina at ASEAN ng malayang sonang pangkalakalan ay isang estratehikong kapasiyahan para sa pangmatagalang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN, at umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang magkabilang panig para mapabilis ang proseso ng may kinalamang talastasan at pasimulan ang pagtatayo ng malayang sonang pangkalakalan sa itinakdang panahon.

Noong ika-2 ng Setyembre ng 2004, nakipagtagpo si Premyer Wen Jiabao ng Tsina kay Arroyo. Noong ika-29 ng Nobyembre, sa panahon ng isang serye ng ASEAN Summit sa Vientiane, nag-usap din sina Wen Jiabao at Arroyo.

2. Bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at pagtutulungang pangkabuhayan at panteknolohiya

Mabilis na umuunlad ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas, at lumagda ang mga pamahalaan ng dalawang bansa sa kasunduan ng kalakalan.

Nitong ilang taong nakalipas, umuunlad nang malaki ang kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa. Noong 1992, opisyal na lumagda ang dalawang bansa sa kasunduan ng paghihikayat sa pamumuhunan, at noong 1993, lumagda rin sila sa kasunduan ng kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya. Noong 1999, lumagda ang mga ministro ng pananalapi ng dalawang bansa sa kasunduan hinggil sa pagbabawas ng double-tarrif. Lumagda rin ang mga ministro ng agrikultura ng dalawang bansa sa "kasunduang pangkooperasyon hinggil sa pagpapalakas ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa agrikultura at mga may kinalamang larangan". Noong Mayo ng 2001, pinasimulan sa Pilipinas ang "sentro ng teknik ng agrikultura ng Tsina at Pilipinas". Nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa agrikultura. Noong 2002, umabot sa 186 milyong dolyares ang halaga ng pamumuhunan ng Pilipinas sa Tsina. May 21 proyekto ang Tsina sa Pilipinas at ang kasunduan nito'y nagkakahalaga ng 184 milyong dolyares. Hanggang noong katapusan 2002, ang kabuuang halaga ng mga kasunduan ng pamumuhunan ng Pilipinas sa Tsina ay umabot sa 3.18 bilyong dolyares, at ang aktuwal na halaga ng pamumuhunan ay umabot sa 1.425 bilyong dolyares.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>