|
||||||||
|
||
Itinatag noong ika-3 ng Desyembre, 1941 ang Radyo Internasyonal ng Tsina, CRI. Ang layon ng CRI ay ang pagpapasulong ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino at mga mamamayan sa buong daigdig. Nagsasahimpapawid araw-araw ang CRI ng 211 oras sa buong daigdig sa 43 wika at diyalektong Tsino. Ang nilalaman ng mga programa nito ay may balita, usap-usapan at mga espesyal na paksa hinggil sa pulitika, kabuhayan, kultura, siyensiya, teknolohiya at mga iba pa.
Noong ika-4 na dekada ng nagdaang siglo, isinagawa ng sambayanang Tsino ang magiting na pakikibaka ng Tsina laban sa pananalakay ng Hapon, at para palaganapin ang digmaan laban sa Hapon, nabuo ang Yan'an Xinhua Radio sa Yan'an, kinaroroonan ng Partido Komunista ng Tsina. Noong ika-3 ng Disyembre ng taong 1941, sinimulan ng radyong ito ang pagsasahimpapawid sa wikang Hapones at ang araw na ito ay itinakda na araw ng pagsilang ng CRI.
Kaya ang unang wikang isinahimpapawid ng CRI ay wikang Hapones at ang unang announcer ng CRI ay si Hara Kiyoshi, isang babaeng Hapones na anti-war activist na namuhay noon sa Tsina. Kahit ang studio noong panahong iyon ay isang kuweba sa lokalidad, ito ay nangangahulugan na, sapul noong araw na iyon, mayroon na ang Tsina ng pagsasahimpapawid na ang target ay mga mamamayang dayuhan.
Pagkatapos ng anti-Japanese War, sinimulan ng CRI noong 1947 ang pagsasahimpapawid sa wikang Ingles. Noong 1949, sinimulan din ng CRI ang mga pagsasahimpapawid sa tatlong uri ng mga dialect ng Tsina, para sa mga Tsino sa dakong timog ng bansa at mga overseas Chinese sa Timog Silangang Asya.
Noong panahong iyon, ginawa ito upang kumatig sila sa usapin ng CRI, at bumalik sa Tsina para magtrabaho at mamuhay. Si Guo Longlong na galing sa Indonesiya ay isa sa kanila, siya rin ang isa sa mga tagapagtatag ng Indonesian Service. Sinariwa niya ang tagpo noong panahong iyon:
"Bumalik ako sa Beijing noong Setyembre ng taong 1949, ilang araw bago itatag ang bagong Tsina. Noong panahong iyon, ang CRI ay tinatawag na Xinhua People's Radio at ito ay nagsasahimpapawid sa wikang Hapones, Ingles at mga dialect ng Tsina."
Pagkatapos ng pagkakatatag ng People's Republic of China o PRC, nailipat ang CRI sa Beijing at sa pamamagitan ng ilang beses na pagbabago sa pangalan, ito ay ginawang "China Radio International" o CRI. At ngayon, nagsasahimpapawid ang CRI sa 61 wikang dayuhan at ito ang organisasyon na nagsasahimpapawid sa pinakamaraming wikang dayuhan sa mundo.
Noong katapusan ng ika-7 dekada ng nagdaang siglo, isinagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, ito ang lumikha ng mabuting kapaligiran para sa mabilis na pag-unlad ng CRI. Kaya sa ilalim ng kalagayang ito, isinagawa ng CRI ang reporma sa ideya ng pagpapalaganap, nilalaman ng mga programa at estilo ng broadcast. At para rito, naglakbay-suri si Ding Yilan, Presidente ng CRI noong panahong iyon, sa Estados Unidos, Alemanya at Latin America, para itatag ang mga journalist station doon.
Sa kasalukuyan, itinatag ng CRI ang 32 journalist stations sa apat na sulok ng daigdig at sa loob ng darating na sampung taon, itatatag pa ang mas maraming estasyon para mas malalim at komprehensibong iulat ang mga pagbabago at kalagayan sa buong daigdig.
Kasunod ng walang humpay na pag-unlad ng teknolohiya, noong Pebrero ng taong 2006, opisyal na nagsimulang magsahimpapawid ang CRI Nairobi FM 91.9 sa Kenya, ito ang unang FM radio na itinatag ng CRI sa ibayong dagat.
Pagkaraan ng 9 na buwan, itinatag ng CRI ang ikalawang FM radio sa Vientiane. Magkasamang dumalo sa seremonya ng unang pagsasahimpapawid sina Pangulong Hu Jintao ng Tsina at Pangulong Choummaly Sayasone ng Laos. Ang buong pamilya ng Choummaly ay tapat at masugid na tagapakinig ng CRI. Sinabi niya:
"Popular ang CRI sa Laos, gusto ito ng mga mamamayang Lao na regular na nakikinig sa mga programa ng CRI. Dahil, sa CRI ito, hindi lamang may mga sariwa at mapagtitiwalaang impormasyon, kundi, nagbibigay din ito ng mga kaalaman sa mga mamamayang Lao. Sa tingin ko, ang CRI ay isang bahagi ng social media ng Laos at mahalagang tulay na nagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng Laos at Tsina."
Hanggang noong unang araw ng Hunyo ng taong ito, itinatag ng CRI ang 60 FM radio sa daigdig para makatugon sa pangangailangan ng mga tagapakinig sa pag-unawa sa Tsina.
Kasunod ng pagtaas ng impluwensiya sa daigdig, gusto ng parami nang paraming beteranong talento mula sa ibang bansa na lumahok sa CRI. Halimbawa si Susan Osman, dating BBC news anchor, siya ay lumahok sa English Service ng CRI.
Hindi lamang sa English Service, kundi sa aming Filipino Service, may mga mahuhusay na expertong Pinoy na sina Kuya Ramon, Rhio at Joshua, at salamat sa kanilang pagkatig, nagiging mas debirsipikado at maganda ang aming mga programa.
Upang mas mabisang isagawa ang pagpapalaganap sa buong daigdig, walang humpay na pinayayaman ng CRI ang paraan sa pagpapahayag. Ngayon, makikita rin ninyo ang lahat ng mga programa at impormasyon hinggil sa CRI, sa website na CRI online.
Noong unang dako ng taong 2011, itinatag ng CRI ang China International Broadcasting Network (CIBN) na sumasaklaw sa mga paraan ng bagong media na gaya ng Mobile TV, IPTV, at ipa ba. Kaugnay nito, ipinahayag ni Wang Gengnian, Presidente ng CRI, na ang pagkakatatag ng CIBN ay palatandaan na ang CRI ay komprehensibong pumasok na sa panahon ng bagong media.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |