|
||||||||
|
||
Inscription ni PNoy
Sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng China Radio International, nagpaabot si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ng kanyang mensahe sa lahat ng mga tagasubaybay ng CRI, lalo't higit ang mga Pilipinong nasa iba't ibang bahagi ng daigdig.
Narito ang kanyang pagbati:
"Sa lahat po ng tagapakinig ng CRI, nagpapasalamat po muna ako sa CRI na binigyan tayo ng pagkakataon na maabot ko po kayo. Ito po si Noynoy Aquino na talagang nakatutok na sana po'y maiayos natin ang ating lipunan, ang atin pong bansa at mabigyan kayo ng dahilang maipagmalaki ang ating bansa at bigyan rin kayo ng dahilan para kayo'y magnais na makabalik ng maaga dito po sa ating Inangbayan.
Nais ko pong ibalita sa inyo na bagama't maraming problemang tayong minana at nasasangkot sa nangyayari po sa buong mundo, ay talaga pong maipapangako ko sa inyo na papalipas na nang papalipas yung panahong wala tayong magawa, paparami ng paparami ang pagkakataon na may magagawa para maapektuhan ang ating kinabukasan.
Ulit, baka naman sobra na ang pagkuha ko ng mga sandali sa CRI, maraming salamat sa kanila sa pagbibigay ng pagkakataong ito a sana po'y nasa mabuting kalagayan.
Huwag po kayong magdududa na lagi laming nakatutok sa inyong kapakanan.
Salamat po!"
Sumulat din si PNoy ng kanyang mensahe para sa CRI na kung saan mababasa na: "Sa lahat ng mga sumusubaybay ng CRI, nawa'y nasa maayos kayong kalagayan. "
Sumusulat si PNoy ng mensahe para sa mga tagasubaybay ng CRI
Ipinahayag ni PNoy ang kanyang mensaheng pambati sa isang grupo interview sa Malakanyang ngayong hapon ng China Radio International Filipino Service at anim na ibang Chinese Media.
(Reporter: Jade Photographer: Rouelle Umali, Jade)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |