|
||||||||
|
||
Noong ika-8 ng Nobyembre, idinaos sa Wangpi Bay — lumang purok ng pagsisimula ng Yan'an Xinhua Broadcasting Station — ang aktibidad ng paggunita. Dumalo sa aktibidad sina Wang Yunpeng, Pangalawang President eng CRI, Feng Jihong, Pirmihang Kagawad ng Lupong Panlunsod at Pangalawang Alkalde ng Yan'an, at mga 100 panaunhing Tsino at dayuhan.
Sa aktibidad, sinabi ni Wang Yunpeng na ang paggunita sa kasaysayan ay naglalayong alalahanin ang kasaysayan at magtamo ng karanasan at lakas mula sa kasaysayan at nang sa gayo'y patuloy na makalikha ng mas magandang kinabukasan ng usapin ng pagsasahimpapawid ng sambayanang Tsino sa ibayong dagat.
Sa ngalan ng CRI staff, bumigkas ng talumpati sa aktibidad si Fu Ying, batang mamamahayag, na nagsasabing ang CRI ay nagsisilbing mahalagang tsanel para sa pagkaunawa ng lipunang Hapones sa Tsina.
Ang mga miyembro ng kalahok an delegasyon sa aktibidad ay kolektibong bumigkas ng tulang pinamagatang "Aming Tinig", bagay na nagpakita ng komong mithiin ng staff ng CRI.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |