|
||||||||
|
||
ISANG MISA ang ini-alay ng mga bumubuo ng National Union of Journalists in the Philippines para sa mga mamamahayag na napaslang sa isa sa pinakamalawak na pagpaslang sa kapanahunan ng kapayapaan sa Ampatauan, Maguindanao kaninang umaga.
Nagtungo ang mga mamamahayag sa lugar na pinangyarihan ng masaker na naganap noong ika-23 ng Nobyembre 2009. Magugunitang 57 katao ang nasawi sa insidente na kinabibilangan ng 32 mga mamamahayag.
Bukas, magdaraos ang mga mamamahayag ng sama-samang pagkilos at magmamartsa sa Don Chino Roces Bridge sa Mendiola upang manawagan sa pamahalaan na madaliin ang paglilitis sa mga akusado na karamiha'y kabilang sa Pamilya Ampatuan.
Sa mga pahayagan mula kahapon, ang mga kolumnista ay may kakaibang mga larawan, pawang mga nakapikit ang mga mata subalit may mensaheng hindi komo wala silang nakikita'y hindi nila ginugunita ang malagim na bahagi ng Kasaysayan ng pamamahayag sa Pilipinas.
Kahit na ang Amnesty International ay nagpaabot ng kalungkutan sa mabagal na pag-ikot ng gulong ng katarungan at nanawgan sa pamahalaan na tumugon sa mga itinatadhana ng international human rights law upang matiyak ang epektibong paglutas sa krimeng ginawa laban sa mga biktima ng masaker at mapigil ang pagkakaligtas sa parusa.
Ang Maguindanao Massacre ang pinakamatinding pananalakay laban sa mga mamamahayag na ang pinag-ugatan ay ang nalalapit na halalan. Isang daan umano sa 197 mga akusado ang nananatiling malaya.
EKONOMIYA NG PILIPINAS LUMAGO SA UNANG BAHAGDAN NG TAON
LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas ng may apat na porsiyento (4%) sa unang bahagi ng taong 2011 at maituturing na kagalang-galang kahit pa may kahirapang naganap noong nakalipas na aon. Ang pagbagal ng paglago ng ekonomiya sa ikalawang tatlong buwan ng taon na 3.4 mula sa revised first quarter growth na 4.6% ay dahilan sa pagbabawas ng net exports at investment. Sa ikalawang tatlong buwan ng taon na kinakitaan ng masidhing private consumption at nagkaroon ng 5.4% increase sa unang bahagi ng taon.
Ito ang nilalaman ng bahagi ng Pilipinas sa World Development Indicators na ipinalabas ng World Bank sa kanilang tanggapan sa Mandaluyong City bago nagtanghalian kanina.
Hindi na umano lumago ang sektor ng construction sa nakalipas na apat na quarters at nagkaroon ng 51.2% sa ikalawang tatlong buwan ng taon kung ihahambing sa nakalipas na taon.
Sinabi ng mga dalubhasang ekonomista ng World Bank na ang pagpapatibay ng investment climate sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasa-ayos ng infrastructure ang makatawag pansin ng mga pribadong mangangalakal. Ang investments mula sa pribadong sektor ang siyang magliligtas sa bansa sa mga problemang may kinalaman sa Eurozone crisis at problema sa pananalapi ng Estados Unidos.
Ito ang nilalaman din ng East Asia and Pacific Economic Update na ipinalabas ng World Bank kanina. Tataas umano ang real GDP sa silangang Asya ng may 8.2% sa taong ito o 4.7% kung hindi kabilang ang Tsina at aabot sa 7.8% sa susunod na taon.
Ang growth forecasts sa Pilipinas ay 4.2% ngayong 2011 at 4.8% sa 2012.
Humarap sa media briefing sina Bert Hofman, chief economist, East Asia and Pacific at Director ng World Bank Singapore Office at Ekaterina (Katia) Vostroknutova, Senior Economist ng East Asia and Pacific Region ng World Bank.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |