|
||||||||
|
||
Isa sa hindi ko makakalimutang paglalakbay ko dito so Tsina ay ang trip ko sa Inner Mongolia. Bakit? Dahil hindi lang mga kaibigan ang nakasama ko dito, pati ang aking kapatid na si Winky ay nakaasama ko at dito nakakilala din ako ng madami pang bagong kaibigan.
Ang Inner Mongolia ay isa sa apat na awtonomong rehiyon ng Tsina. Nasa hilaga nito ang Republika ng Mongolia habang nasa hilagang-silangan dulo naman nito ang hanggahan ng Rusya. Hugis saging ang syudad na ito na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Tsina.
Ang capital nito ay Hohhot na binubuo ng dalawang salitang Hoh na ang ibigsabihin ay asul at hot na ang ibigsabihin ay syudad. Ngunit ang pangalan nito sa Tsino ay "qing" na ibigsabihin ay berde, kaya ang Inner Mongolia ay itinatawag ding Green City. Sa silangang bahagi ng Inner Mongolia matatagpuan ang napakalawak na damuhan, disyerto at bundok. Sa kanluran naman ay binubuo ng mainit at tuyo.
Mahigit 17% dito ay mula sa Mongolian ethnic group. Ang Mongolian at Mandarin Chinese ang mga pangunahing lengwahe dito ngunit kokonte nalang ang nagsasalita ng Mongolian, kahit sa pagitan ng mga etnikong grupo na Mongolian Mandarin na ang kanilang ginagamit bialng pang-araw araw na lengwahe.
Nakarating kami sa lugar na ito sa pamamagitan ng long distance bus. Kahit na dalawang araw lamang kami naglagi dito, naging makabuluhan naman ito para sa akin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |