Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamilya ng kondenadong Pilipino, paalis na patungong Tsina

(GMT+08:00) 2011-11-30 17:40:56       CRI

MAGLALAKBAY patungong Guangzhou ang pamilya ng isang Pilipinong natalutan ng parusang kamatayan dahilan sa pagpupuslit ng halos isang kilo't kalahating heroina noong Setyembre 13, 2008 sa Guangxi sa Guilin International Airport mula sa Malaysia.

Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas, ibinalita ng High People's Court sa Guanzi Zhuang Autonomous Region sa Konsulado ng Pilipinas sa Guanzhi na sinang-ayunan ng Supreme People's Court ang naunang hatol na naggawad ng parusang kamatayan sa isang Filipino dahilan sa drug trafficking. Isasagawa ang parusa sa darating na Huwebes, ika-walo sa buwan ng Disyembre.

Ang Filipino ay 35 taong gulang.

Ipinarating ng pamahalaan ng Pilipinas ang lahat ng kailangan at posibleng maitutulong at tiniyak na kinilala ang kanyang mga karapatan at naisulong ang kanyang kalagayan mula ng siya'y madakip hanggang sa iginawad ang hatol.

Mayroon siyang kaukulang abogado sa lahat ng paglilitis sa Intermediate People's Court hanggang sa High People's Court.

Ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, nagkaroon ng iba't ibang representations sa HPC, sa Foreign Affairs Office sa Guangxi at maging sa Public Security Bureau upang ipaabot ang pagkabahala ng bansa sa kalagayan ng akusado.

Ang dating Ambassador ng Pilipinas sa Tsina na si Francisco L. Benedicto ay nakipagtalastasan pa rin sa isang pinuno ng Supreme People's Court sa Tsina upang iparating ang pakiusap ng bansang Pilipino na ibaba na lamang ang hatol sa pagkakabilanggong habangbuhay ng walang reprieve sa Filipino national.

Lumiham na rin umano si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kay Chinese President Hu Jintao na humihiling ng commutation. Kinausap na rin ni Foreign Secretary Albert del Rosario si Chinese Ambassador to the Philippines Liu Jianchao upang iparating ang kahilingang babaan ang hatol.

Nasabihan na rin ang pamilya ng nahatulan at isinasaayos na rin ang kanilang pagdalaw sa Tsina sa pinakamadaling panahon upang madalaw man lamang ang kanilang mahal sa buhay.

Ito ang pinakahuling death penalty conviction na walang reprieve, na may kinalaman sa drug trafficking sa Korte Suprema ng Tsina. Mayroong anim na death penalty convictions na walang reprieve, Tatlo ang sinangayunan ng Korte Suprema at ito ay ang mga usapin nina Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva at Elizabeth Batain. Dalawa sa anim na convictions ang ibinaba sa death penalty with two-year reprieve o nangangahulugang ipatutupad pa rin ang death penalty matapos ang dalawang taon.

Iginagalang ng Pilipinas ang batas ng Tsina at hatol ng kanilang Korte Suprema.

Ayon sa DFA, ang Pamahalaan ng Pilipinas ay mayroon ding mahigpit na anti-illegal drug policy at nakikipagtulungan sa mga autoridad sa Tsina at iba pang mga bansa sa pagtatangkang masugpo ang salot na dala ng ipinagbabawal na droga.

Nanawagan muli ang pamahalaan sa mga Filipino, partikular sa mga Overseas Filipino Workers na huwag pumayag mahulog sa bitag ng international drug syndicates at maging maingat sa pakikipag-usap sa mga 'di kilalang tao sa mga paliparan at mga daugan at bus terminals. Ang pagiging maingat ang unang hakbang upang makaiwas sa omdus operandi ng international drug traffickers. Nanawagan din ang pamahalaan sa mga mamamayan nitong maging alerto sa lahat ng pagkakataon upang maiwasang maging biktima ng sindikato.

aMga Obispo: nanawagan sa madla

NAGDESISYON ang mga kasapi ng outgoing at incoming Permanent Council ng Kapulungan ng mga Obispong Katoliko ng Pilipinas na huwag maglabas ng pahayag tungkol sa mga nagaganap sa bansa.

Sa isang press briefing na ibinigay ni Msgr. Juanito Figura, outgoing secretary-general ng Kapulungan, sinabi ng mga obispo na bilang religious leaders, ay hindi nila nakita ang pangangailangang maglabas ng anumang pahayag tungkol sa kinahaharap na mga usapin ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ipinaliwanag ni Msgr. Figura na naniniwala ang mga obispo sa kanilang papel bilang "religious leaders" o mga pastol, wala sa kanilang pagbadalubhasa ang kakayahag magsuri sa mga isyung legal.

Idinagdag pa ni Msgr. Figura na natutuwa at lumalakas ang loob ng mga obispo na kumikilos ang gulong ng katarungan ngayon. Bagama't maraming balakid na kinakaharap, patuloy silang nananalangin na makita ang tamang daan at malutas ang mga ito ayon sa ating mga itinatadhanang batas.

Ang usapin umanong may kinalaman sa electoral fraud o pangdaraya sa nakalipas na mga halalan ay nasa hukuman na at ang anumang pahayag ay magiging sub judice. Hukuman na umano ang dirinig sa usapin, makikinig at hahatol ayon sa mga ebidensiya ng paglilitis. Dapat umanong igalang ang batas.

Bilang mga pastol, nagbigay sila ng apat na puntos na nararapat kilalanin ng mga mamamayan upang magkaroon ng mas malawak at magandang pag-unawa sa mga isyung bumabalot sa lipunan ngayon.

Una, nararapat lumabas ang katotohanan tungkol sa mga isinangkot sa usapin. Pangalawa ay ang pagiging mapang-unawa sa mga akusado at idinawit sa reklamo, sa mga biktima at sa balana. Pangatlo, ang pag-alam ng kung ano ang makabubuti sa mga akusado, mga biktima at sa madla. Hinihingi ng mga obispo ang katarungan at pang-unawa. Ang mga usapin ba'y may paggalang sa mga institusyong isinangkot sa mga usapin at sa mga taong kumakatawan sa mga ito.

Nanawagan ang mga obispo sa madla na magdasal na magwawakas ang mga usapin sa maayos na paraan, dagdag pa ni Msgr. Figura.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>