Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, pinuna ang Korte Suprema

(GMT+08:00) 2011-12-05 18:56:48       CRI

SA isang hindi inaasahang pagkakataon, pinuna ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mga nagaganap sa Pilipinas na diumano'y nagmula sa mga desisyon ng Korte Suprema.

Sa kanyang talumpati sa "Criminal Justice Summit" sa Manila Hotel ngayong umaga, sinabi ni Pangulong Aquino na mayroong mga itinatadhana ang Saligang Batas ng Pilipinas na kumikilala sa pinagmumulan ng poder ng mga nasa tungkulin.

Aniya, maliwanag sa Artikulo Dos, Seksyon Uno na ang ganap na kapangyarihan ay nasa sambayanan, at ang lahat ng kapangyarihang pampamahalaan ay nagmumula sa kanila.

Layunin umano niya na linisin ang pamahalaan at litisin ang mga may ginawang katiwalian subalit tila naging balakid ang desisyon ng Korte Suprema na nagsabing taliwas sa Saligang Batas ang pagbuo ni Pangulong Aquino ng "Truth Commission."

Ipinasisiyasat din umano ang mga katiwaliang naganap noong nakalipas na halalan at ginawa naman ng Commission on Elections sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Katarungan. Ipinagtanong din sa Korte Suprema ang legalidad nito at sumangguni na naman sa Korte Suprema ang grupo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ipinagtanong din ng mga Arroyo ang legalidad ng warrant of arrest na ipinataw ng isang hukuman sa Lungsod ng Pasay.

Hindi nangimi si Pangulong Aquino ng sabihin niyang mayroong sapat na dahilan upang magduda sa tunay na hangarin ng mga nasa Korte Suprema.

Lumabas na hindi matanggap ni Pangulong Aquino ang paghirang ni Pangulong Arroyo kay Chief Justice Renato Corona isang linggo matapos ang halalan bagama't may probisyon umano sa Saligang Batas na nagsasabing walang anumang nararapat na paghirang sa loob ng dalawang buwan bago sumapit ang susunod na halalang pampanguluhan.

Kwestiyonable umano ang desisyon ng Korte Suprema sa pagbuo ng congressional district ng Camarines Sur na walang sapat na bilang ng mga mamamayan upang maging isang ganap na distrito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>