Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay, personal na dumalaw sa embahada ng Tsina dala ang liham ni Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2011-12-06 18:23:16       CRI

PERSONAL na ibinigay ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay kay Charge d'Affaires Bai Tian ang liham ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III para kay Pangulong Hu Jintao upang hingin ang buhay ng isang Pilipinong nakatakdang bitayin sa darating na Huwebes.

Dumating si Ginoong Binay sa Dasmarinas Village mga ala-una kinse ng hapon at mainit na sinalubong ni Ginoong Bai Tian na siyang tumanggap ng liham ni Pangulong Aquino.

Ipinaliwanag ni Ginoong Binay na iginagalang ng Pilipinas ang mga batas ng Tsina at ang kahilingan ng bansang Pilipinas ay ayon sa "humanitarian grounds."

Sinabi rin ni Ginoong Binay na ang Pilipinas ay isang bansang Kristiyano na nagpapahalaga sa ikawalong araw ng Disyembre sapagkat ito ang kapistahan ng Immaculada Concepcion.

Tiniyak naman ni Ginoong Bai Tian kay Ginoong Binay na makararating kaagad ang liham sa kinauukulan sa pinakamadaling panahon.

Nakapaloob sa liham ni Pangulong Aquino ang kahiligang ibaba sa pagkakabilanggo ng habang-buhay ang hatol sa Pilipinong nakatakdang sumailalim sa parusang kamatayan sa Huwebes.

Magugunitiang hinatulan ng kamatayan ng Guilin Municipal People's Court ang Pilipino matapos madakip noong 2008 na may dalang halos isang kilo't kalahating heroina mula sa Malaysia.

Binanggit din ni Pangulong Aquino na samantalang iginagalang ng Pilipinas ang batas ng Tsina, hindi rin niya matatalikdan ang pamilya ng kondenadong Pilipino na mabigyan ng pangalawang pagkakataon upang makapagbago.

Nakatakda sanang dumalaw sa Tsina si Ginoong Binay na Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Concerns upang personal na dalhin ang liham kay Pangulong Hu Jintao subalit sinabihang hindi nila naisaayos ang kahilingang dumalaw ni Ginoong Binay sa mga panahong ito.

Hiniling ng pamilya ng kondenadong Pilipino na huwag nang ihayag sa publiko ang detalyes ng pagkatao niya sampu ng iba pang mahahalagang impormasyon at igalang ang kanilang pagiging pribado.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>