Paglilipat ng kapangyarihan
Noong ika-19 ng Enero ng taong ito, nahalal ang bagong grupo ng mga lider ng Biyetnam sa ika-11 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Biyetnam. Nahalal si Nguyen Phu Trong bilang bagong Pangkalahatang Kalihim ng Partido at hinalinhan si Nong Duc Manh, at naging maayos at maalwan ang pagbabago ng pamunuan. Noong Hulyo hanggang Agosto ng taong ito, sa Unang Sesyon ng ika-13 Pambansang Asemblea, nahalal din ang bagong Tagapangulo ng Asemblea, Pangulo at Punong Ministro ng Biyetnam.