Baha sa Thailand
Dahil sa epekto ng tropical monsoons, mula noong huling dako ng Hulyo ng taong ito, tuluy-tuloy na nag-ulan sa malaking saklaw ng Thailand na nagbunga ng mga kalamidad na tulad ng baha, mud-rock flow at iba pa. Ang naturang mga kalamidad ay nagdulot ng malaking kasuwalti at malaking kapinsalaan sa mga industriya ng Thailand. Noong ika-15 ng Nobyembre, kinilala ni Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Thailand na bago ang katapusan ng taong ito, hindi uurong marahil ang baha sa ilang bahagi ng Bangkok.