2 inatakeng bapor na Tsino
Noong ika-5 ng Oktubre, sa water area ng Golden Triangle sa Mekong River, inatake ang 2 bapor na Tsino na ikinamatay ng lahat ng 13 marinerong Tsino. Ang magkakasamang pangangalaga sa seguridad ng nabigasyon sa Mekong river ay naging pinakamahigpit na tungkulin. Noong ika-31 ng Oktubre, idinaos sa Beijing ang Pulong ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand hinggil sa kooperasyong panseguridad sa Mekong River. Sa pulong na ito, ipinalabas ang Magkakasanib na Pahayag hinggil sa kooperasyong panseguridad ng pagpapatupad ng batas sa mga purok ng Mekong River, at narating ang malawak na komong palagay.