Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga mamamahayag hindi makasasakay sa convoy

(GMT+08:00) 2011-12-07 18:31:20       CRI

MAAARING payagan ang mga mamamahayag na sumunod sa convoy na magdadala sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center subalit hindi sila papayagang sumakay sa mga sasakyang papasok sa pagamutan sapagkat mahigpit ang seguridad sa presidential suite samantalang ang ibang mga lugar sa pagamutan ay sarado sa publiko.

Ayon kay Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr., ang media ay hindi papayagang sumakay sa alinmang mga sasakyang kabilang sa convoy na papasok sa malaking bakuran ng VMMC.

Magkakaroon ng lamang ng regular na press briefing sa pinakatanggapan ng pagamutan.

Walang gagamit ng sirena sa convoy at sapat naman umano ang seguridad ng dating pinuno ng bansa. Maliit naman umano ang posibilidad na gumamit ng helicopter para paglilipat sa dating pangulo.

RENEWABLE ENERGY, PAMBATO NG PILIPINAS

NANINIWALA si Senador Edgardo J. Angara na ang renewable energy tulad ng init na nagmumula sa ilalim ng lupa, hangin, karagatan, tubig, araw at biomass ang pambato ng Pilipinas sa larangan ng enerhiya. Ito ang binanggit ng mambabatas sa isang forum ng European Chamber of Commerce of the Philippines ngayon.

Ang forum ay pinamagatang Moving Forward with Renewable Energy: Opportunities and Challenges na nagsama-sama ng industry stakeholders at mga nagpapanday ng mga palatuntunan na nagpalitan ng pananaw sa mga oportunidad, mga hamon at mga karanasan sa pagsasagawa ng renewable energy programs sa Pilipinas.

Ayon sa senador, ang tubig, na nararapat maideklarang strategic national asset sapagkat ang bansa'y isang kapuluan na mayroong limitless resource at pagmumulan ng pag-unlad.

Napakalaki umano ng potensyal ng renewable energy at kung magagamit lamang ito'y malaki ang maidudulot nitong biyaya hindi lamang sa sektor ng enerhiya kungdi sa buong bansa. Idinagdag ng mambabatas na ang enerhiyang mula sa renewable sources ay makapagdudulot ng kuryente sa malalayong mga barangay na pagmumulan ng pag-unlad sa kanayunan.

Si Senador Angara ang chairman ng Senate Committee on Science and Technology. Idinagdag pa niyang ito rin ang maghahatid ng kaunlaran. Ipinaliwanag niyang gumagamit lamang ang Pilipinas ng 37% ng renewable energy capacity. Maaari umanong magkaroon ng 261,000 megawatts mula sa renewable energy na hindi pa kasama ang init ng araw at biomass.

Isa umano ang Pilipinas sa mga unang bansa sa Asya na nagpasa ng batas tungkol sa renewable energy at maaari umanong isa sa pinakamagandang batas tungkol sa renewable energy sa buong Asya. Ikinalungkot ng mambabatas na wala pang gasinong nagagawa ang pamahalaan, partikular ang ehekutibo upang magkatotoo ang nilalaman ng batas sa renewable energy.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>