Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Arroyo, nailipat na ng pagamutan

(GMT+08:00) 2011-12-09 18:37:28       CRI

MATAGUMPAY na naihatid sa Veterans Memorial Medical Center si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos ang matagalang pakikipag-usap sa pulisya kung anong sasakyan niya mula sa St. Luke's Medical Center sa Lungsod ng Taguig.

Umalis ang pitong sasakyan mula sa St. Luke's Medical Center pasado alas tres ng hapon at dumating sa Veterans Memorial Medical Center mga alas kwatro kinse ng hapon sa gitna ng pabugso-bugsong ulan.

Sumakay siya sa isang puting coaster na sinabayan ng mga alagad ng batas at diretsong nagtungo sa presidential suite ng pagamutan bagama't binabantayan ng mga alagad ng media.

Ayon sa chief of staff ng dating pangulo, si Elena Bautista-Horn, binalak ng pulisya na isakay sa helicopter ang dating pangulo subalit tumanggi si Ginang Arroyo sa panukalang ito dahilan sa masamang panahon.

Nanatiling lihim sa madla ang paglilipat sa dating pangulo kahit pa nagpakawala ng decoy convoy ang pulisya mga pasado alas diyes ng umaga kanina kahit pa nasa kanyang silid si Ginang Arroyo.

Nasa ilalim siya ng hospital arrest sa St. Luke's Medical Center mula ng ilabas ang warrant of arrest noong ika-18 ng Nobyembre dahilan sa kasong electoral sabotage.

Noong Huwebes, unang araw ng Disyembre, nag-utos si Regional Trial Court Judge Jesus Mupas na ilipat ang dating pangulo sa Veterans Memorial Medical Center mula sa isa sa pinakamagandang pagamutan sa bansa.

MGA KLASE SA ELEMENTARYA AT HIGH SCHOOL SUSPENDIDO DAHILAN SA ULAN

SINUSPINDE ng Kagawaran ng Edukasyon ang klase sa elementarya at high school dahilan sa masamang panahon sa lahat ng pribado at pampublikong mga paaralan. Ayon kay Director Elena Ruiz, ang mga klase sa pre-school, grade school at high school sa buong Metro Manila ay suspendido na mula kaninang tanghali.

Ang dahila'y ang pinakahuling balita mula sa PAGASA na siyang nangangasiwa at nagbabantay sa mga nagaganap sa panahon.

Sapagkat ibinalita ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na magpapatuloy ang malakas na ulan sa Metro Manila, minabuti ng Kagawaran ng Edukasyon na suspendihin ang klase.

Isang low pressure area ang nakita sa kanluran ng Puerto Princesa sa Palawan na naghatid ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Hilaga at Silangang Luzon kabilang na rin ang Kabisayaan at Mindanao.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>