Mga lider sa ika-19 na ASEAN Summit
Noong ika-17 ng Nobyembre, sa ika-19 na ASEAN Summit na idinaos sa Bali, Indonesya, nilagdaan ng mga lider ng mga bansang ASEAN ang "Bali Concord III" o Bali Declaration on ASEAN Community in a Global Community of Nations. Anang deklarasyon, ang pagpapalakas ng pakikilahok ng ASEAN Community sa Global Community of Nations at pagpapalalim ng papel ng ASEAN Community sa mga suliraning pandaigdig ay mahalaga para sa pag-unlad ng ASEAN. Ipinangako ng mga lider na sa taong 2022, ang ASEAN ay magiging isang plataporma kung saan tatalakayin ang mga suliranin ng buong daigdig. Inulit din nila ang kahalagahan ng konstruksyon ng ASEAN Community sa ilalim ng kasalukuyang bagong kalagayan ng daigdig.