Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Economic growth ng Pilipinas umabot sa 3.6% sa 2011

(GMT+08:00) 2011-12-15 18:24:27       CRI

IBINALITA Economic Planning Secretary Cayetano Paderanga na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng may 3.6% sa unang tatlong buwan ng taong ito at hamak na mas mababa sa 8.2% na natamo noong nakalipas na taon. Kung ihahambing sa mga kalapit-bansa tulad ng Tsina, Indonesia, Vietnam, Singapore at Malaysia, mas mababa ang natamong kaunlaran ng Pilipinas ngayong taon.

Apektado umano ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ng mga naganap na pagbagal ng kalakal at kawalan ng katiyakan sa mga pangyayari sa Europa, ang kahinaan ng ekonomiya ng Amerika, at mga trahedya sa Japan na naging dahilan ng pagtamlay ng exports ng Pilipinas.

Sa loob ng Pilipinas, hindi halos gumalaw ang construction sector sa nakalipas na labing-isang buwan dahilan sa hindi paggastos ng pamahalaan at mga pagbabalik-aral sa mga proyekto ng mga pagawaing-bayan.

Ang services sector ang pinakamalaki ang nai-ambag sa unang tatlong quarter ng taong 2011 sa pagkakaroon ng 4.7% expansion. Napanatili ang agricultural production at bumabawi na mula sa El Nino noong 2010 at kahit pa may mga bagyong tumama sa bansa sa ikatlong quarter ng 2011 na nagdala ng pinsala.

Lumiit ang industry sector ng at natamo ang 1.4% dahilan sa pagbagal ng construction at utilities. Ang mas malaking gastos ng mga pamilyang Pilipino ang siyang kinakitaan ng paggalaw sa pagbebenta ng mga paninda at pagpasok ng salaping mula sa mga manggagawang Pinoy mula sa ibang bansa.

Nakikita ng pamahalaan ang paglago ng Gross Domestic Product sa 4.5 hanggang 5.5 % sa taong ito at mararating ang 5.0 hanggang 6.0% sa taong 2012. Magmumula ang pagsigla ng ekonomiya sa holiday season spending, pagkakaroon ng higit na business at consumer confidence, mas maayos na macro-economic policies at iba pang dahilan.

Madarama na rin ang epekto ng paggastos ng pamahalaan sa halagang P 72 bilyong Disbursement Accelration Program sa darating na taon.

Nailabas na umano ng Department of Budget and Management ang P 43.4 bilyon o 60.2% ng buong halaga ng palatuntunan.

NILAGDAAN NA ANG P 1.8 TRILYONG BUDGET PARA SA 2012

NILAGDAAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang P 1.8 trilyong budget para sa 2012 at pinasalamatan ang mga mambabatas sa madaliang pagpapasa ng panukalang batas.

Sumaksi sa paglagda sina Senate President Juan Ponce Enrile at House Speaker Feliciano Belmonte, Jr.

Nangako si Pangulong Aquino mabilis silang maglalabas ng salapi sa susunod na taon at pinag-utusan na niya ang mga ahensya ng pamahalaan na madaliang ipatupad ang pagsusubasta ng mga kontrata para sa mga proyekto, partikular ang mga pagawaing-bayan. Maglalabas kaagad ang pamahalaan ng P 14 bilyong sa Enero para sa infrastructure projects.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>