Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Daan-daang katao, nasawi sa baha sa Mindanao

(GMT+08:00) 2011-12-18 16:44:39       CRI

HALOS limang daa't limampu katao ang nasawi sa matinding pagbaha sa Cagayan de Oro at Iligan Cities sa Mindanao kahapon ng madaling araw.

Ayon sa militar, umabot na sa 336 katao ang natagpuang patay sa Lungsod ng Cagayan de Oro samatalang 212 naman ang nasawi sa Iligan City.

Tuloy pa rin ang operasyon ng Task Force Macalintad sa ilalim ng liderato ni Brig. General Roland Amarille, ang deputy commanding general ng First Infantry Division ng Philippine Army.

Ayon kay Col. Leopoldo Galon, nagtungo na si Lt. General Arthur Tabaquero, commanding general ng Eastern Mindanao Command sa Cagayan de Oro City kaninang tanghali sakay ng isang eroplano ng Philippine Navy mula sa kanilang himpilan sa Lungsod ng Davao.

Nakapagligtas sila ng may 4,500 katao sa Cagayan de Oro City at nakapamahagi na ng relief goods. Umabot na sa halos imang libong pamilya ang nasa iba't ibang evacuation centers na itinalaga ng pamahalaan.

Nagtungo na sa Cagayan de Oro City si Vice President Jejomar C. Binay at namahagi ng may halos tatlong libong bag ng relief goods sa tatlong evacuation centers. Nangako rin siyang magbibigay ng 10,000 bag ng relief goods sa Cagayan de Oro at 5,000 bag ng relief goods sa Iligan City.

Nagtungo rin siya sa mga punerarya at nag-abot ng abuloy sa mga naulila ng mga nasawi. Kinausap na rin niya ang mga punongbayan upang kumilala ng mga relocation sites para sa mga nasalanta.

Sa panig ng Department of Social Welfare and Development, ipinadala na ang may P 10 milyon na standby funds at P 57 milyong halaga ng relief goods sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Sendong. Anim na rehiyon ang apektado ng bagyo at naglaan na rin ng kaukulang ayuda sa mga naninirahan sa Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon), Mimaropa (Mindoro Oriental-Mindoro Occidental-Marinduque-Romblon-Palawan) at maging sa Bicol Region na inaasahang makakadama ng lakas ng bagyong Sendong.

Naglaan na rin ng $ 10,000 US ang Embahada ng Tsina sa Maynila para sa mga nasalanta ng bagyo. Ito naman ang nabatid ko mula kay Ethan Y. Sun, Deputy Chief ng Political Section at siya ring tagapagsalita ng Embahada ng Tsina.

Ayon naman kay Fr. Edu Gariguez, Executive Secretary ng Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, naghihintay na lamang sila ng update ng Catholic Relief Services na may mga tauhan sa Mindanao upang tumugon sa mga pangangailangan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>