Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga biktima ng bagyong "sendong" nadagdagan

(GMT+08:00) 2011-12-19 17:07:08       CRI

UMABOT na sa anim na raa't dalawampu't anim (626) ang nasasawi sa pagragasa ng bagyong "Sendong" noong Sabado. Ayon sa Pamahalaan ng Pilipinas sa Region X pa lamang ay 580 na ang nasawi samantalang may 38 sa Gitnang Kabisayaan, lima naman ang nasawi sa Zamboanga Peninsula o Region IX samantalang may tatlong nasawi sa Davao Region o Region XI.

Ayon kay Colonel Leopoldo Galon, tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Silangang Mindanao, umabot sa 173 barangay mula sa 23 bayan at lungsod ang naapektuhan ng bagyong "Sendong" na nadama madaling araw noong Sabado samantalang karamiha'y nahihimbing sa kanilang pagtulog. Umabot na rin sa 22,989 na pamilya o 134,000 katao ang apektado ng bagyo.

Sa pulo ng Bayug, 216 ang mamamayang natangay ng baha at pinangangambahang nasawi.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si Foreign Minister Jeremy Browne ng Inglatera sa mga nasalanta ng bagyo. Ayon sa ministro, nakalulungkot ang naganap sa Pilipinas noong nakalipas na Sabado. Kadadalaw pa lamang niya sa Pilipinas noong nakalipas na linggo at nadarama umano niya ang kalungkutan ng mga Pilipino sa naganap na trahedya. Ipinarating niya ang pakikiramay sa mga naulila at sa pamahalaan ng Pilipinas na inaasahang mamumuno sa pagsasaayos ng mga napinsala.

Nanawagan naman si Cotabato Archbishop Orlando B. Quevedo, OMI sa mga may kakayahang tumulong na makiisa sa pagiipon ng anumang makakatulong sa mga mamamayan ng Cagayan de Oro at Iligan.

Sa isang mensaheng ipinadala sa mga mamamayan ng kanyang nasasakupang arkediyesesis, nanawagan ang arsobispo sa mga pari, mga madre at mga mananampalataya na tumulong sa mga nasalanta. Mula a-21 hanggang a-23 ng Disyembre, ang ikalawang koleksyon sa bawat misa ay ilalaan sa mga taga Archdiocese of Cagayan de Oro at Diocese of Iligan. Wala umanong dahilan upang hindi makibahagi ang mga mananampalataya sapagkat ibinahagi ng Diyos ang kanyang Anak sa kaligtasan ng sangkatauhan, dagdag pa ng arsobispo.

Kinondena naman ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang pananambang at paggamit ng landmine ng mga New People's Army sa isang trak ng mga kawal. Isang opisyal at anim na kawal ang nasugatan sa pananambang sa Puerto Maputi, Barangay Maharlika, Bislig City, Surigao del Sur kahapon.

Isang sibilyang nakisakay sa trak ang nasawi at nakilala sa pangalang Lilia Lalisan, 63 na taong gulang at taga Sitio Maputi, Dona Carmen, Tagbina, Surigao del Sur. Mamalengke sana ang matandang babae ng masawi. -

 

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>