|
||||||||
|
||
MGA SANGKAP:
50 gramo ng vermicelli
25 gramo ng giniling na karne ng baboy
Broad bean paste
Chicken bouillon o vetsin
Cooking wine
Luya
Berdeng sibuyas
Bawang
Mantika
Tubig
PARAAN NG PAGLULUTO:
Ibabad muna sa mainit na tubig ang vermicelli, mga three minutes. Habang hinihintay na lumambot, tadtarin ang green onion, bawang, luya at chili. Tapos, balikan ang vermicelli. Kung malambot na, mag-init ng mantika sa kawali. Paikut-ikutin ang mantika para mapahiran ang gilid ng kawali. Tapos, ilagay ang broad bean past bago igisa sa loob ng 30 segundo. Isunod ang giniling na karne ng baboy at igisa sa loob ng isang minuto. Ihulog ang tinadtad na sibuyas, luya, bawang at chili, tapos lagyan ng kaunting tubig. Ilaga sa loob ng isang minuto sa mataas na temperature. Ihulog ang vermicelli at igisa sa loob ng dalawang minuto hanggang sa lumambot at lumubog sa likido. Lagyan ng asin, tapos ituloy pa ang paggisa sa loob ng sampung Segundo. Pagkatapos niyan, puwede nang isilbi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |