|
||||||||
|
||
Inutusan ni pangulong benigno simeon c. Aquino iii ang department of interior and local government at ang philippine national police na pagbawalan ang mga naninirahan sa mga mapanganib na lugar na bumalik sa kanilang mga tirahan kasunod na mapaminsalang pagbaha noong sabado.
Ayon kay pangulong aquino, hindi na papayagan ang pagbalik sa mga peligrosong lugar at wala nang papayagang mga mamamayang magtatayo ng kanilang mga tahanan sa pook na dinaanan ng baha.
Ito ang kanyang utos sa mga local government officials kaninang umaga. Ipinaabot ng mga opisyal na hindi maaaring magtagal sa mga paaralan ang mga evacuees kaya't kailangang magkaroon ng matitirhan. May 8,000 evacuees sa cagayan de oro city,
Sinabi ni pangulong aquino na mayroong 1,000 mga tahanan mula sa national housing authority kahit wala pang pagtataya sa salaping gagamitin sa mga bagong tahanan. May calamity fund naman umanong magagamit sa pagtatayo ng mga bagong tahanan.
Halos isang libo katao na ang nasawi sa bagyong "sendong" na nagdulot ng 'di mawaring hirap sa mga naninirahan sa katimugang bahagi ng pilipinas, partikular sa mindanao.
Ayon kay pangulong aquino na dumalaw sa lungsod ng cagayan de oro, 957 na ang nasawi dulot ng bagyo't baha samantalang isang libo, limang daa't walumpu't dalawa ang nasaktan at may 49 na nawawala. Umabot na sa 63,079 na pamilya ang apektado ni "sendong."
Binanggit ng pangulo na kahit iisa ang c-130 plane ng pamahalaan, sumabay ang pribadong sektor sa pagtulong sa mga nasalanta. Binanggit niya ang xavier university na namuno sa relief operations at ang mga kinatawan ng pribadong sektor at mga alagad ng media.
Sinabi ni pangulong aquino na sa kanilang pagsusuri, 66 na lalawigan sa bansa ang posibleng magbaha at magkaroon ng pagguho ng lupa. May koordinasyon na umano ang national disaster risk reduction and management council at mga lokal na pamahalaan.
Nilagdaan na rin ni pangulong aquino ang deklarasyon ng national state of calamity sa mga pook na nasalanta ng bagyo. Idinagdag pa niya na baka makakuha ang pilipinas na tatlong milyong dolyar mula sa asian development bank at limang-daang milyong dolyar naman sa world bank upang tugunan ang kalamidad. Nag-aalok na rin umano ng tulong ang japan, amerika, australia, russia, tsina at iba pang mga bansa.
Sa panig ng simbahang katolika, sinabi ni manila archbishop luis antonio tagle na nagsimula na sila ng ikalawang koleksyon sa bawat misa mula kahapon hanggang sa araw ng pasko sa linggo. Ang salaping malilikom ay ipadadala sa mga pook na may mga nasalanta ng bagyong "sendong."
Ipinagpasalamat naman ni cagayan de oro archbishop antonio ledesma, sj ang pagpapaabot ng tulong mula sa iba't ibabg bahagi ng pilipinas. Nakakataba umano ng puso ang pag-alaala sa kanila ngayong nasa panahon ng kagipitan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |