|
||||||||
|
||
UPANG makatugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyo't baha sa Mindanao, nanawagan ang United Nations at mga kabalikat nito upang mabuo ang US $ 28 milyon at matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta.
Ang Emergency Revision of the Philippines (Mindanao) Humanitarian Action Plan 2012 ang naglalayong makapagbigay ng malinis na tubig na maiinom, pagkain, pansamantalang matitirhan at mga kagamitang kailangan ng mga biktima na aabot sa 471 libong mga mamamayan sa Cagayan de Oro at Iligan para sa tatlong buwan. Ang "food-for-work" at maaari ding ipatupad upang maiwasan ang peligro sa kalusugan ng mga biktima.
Ayon kay Dr, Soe Nyunt-U, ang Acting UN Resident and Humanitarian Coordinator na nagtapos sa dalawang araw na pagdalaw sa mga binahang lugar ay namangha sa tindi ng pinsalang natamo ng mga biktima na animo'y tinamaan ng inland tsunami.
Nakikita umano sa mga karagatan ang mga basurang nagmula sa mga napinsalang mga tahanan. Wala pa umanong sintomas ng rehabilitasyon sa mga napinsalang pook.
Higit na sa 1,000 (1,060) katao ang deklaradong nasawi o nawawala at may 28,030 mga tahanan ang nawasak ng bagyo.
Nakita umano ni Dr. Soe ang kabutihan ng mga Pilipino sa pagliligtas ng mga kapwa biktima at ang United Nations at ang mga kabalikat na humanitarian partners ay nagtutulungan upang suportahan ang programa ng gobyerno sa pagsuhay sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Isinasaayos ng mga kawal ng sandatahang lakas ng pilipinas ang mga releief goods na ipadadala sa kabisayaan at mindanao na tinamaan ng bagyong "sendong."
(larawan ni Melo M. Acuna/CRI-Filipino Service)
Mga Pilipino, pauuwiin na mula sa Syria
ITINAAS na ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang "crisis alert level" sa Syria mula Alert Level 3 patungo sa Alert Level 4 dahilan sa patuloy na kaguluhang nagaganap doon.
Ayon sa pahayag ng kagawaran, isasagawa ang mandatory repatriation na gagastusan ng pamahalaan sa pinakamadaling panahon. Pinakiusapan na rin ang mga Pilipino na umalis na muna sa Syria dahilan sa tensyong nangyayari ngayon.
Mula mismo kay Kalihim Albert del Rosario ang pahayag.
Inutusan na niya si Executive Director for Migrant Workers Affairs Ambassador Ricardo M. Endaya na magtungo sa Syria upang tulungan ang mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa Damascus.
Kailangan umanong magkaroon ng regular na pagsusuri sa nagaganap sa Syria at regular na mag-ulat at magpadala ng financial plan upang ipatupad ang Alert Level 4.
Noong nakalipas na linggo, nakapag-pauwi na ang embahada ng Pilipinas ng 51 mga Filipino at umabot na sa 383 ang nakauwi hanggang ika-16 ng Disyembre. Mayroong 5,000 mga Filipino na nasa Syria.
Nararapat tumawag sa 00963116132626 ang mga Filipinong nasa Syria upang mabatid ang kanilang kalagayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |