Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtatayo ng bagong tahanan magtatagal pa; tuloy ang klase sa enero

(GMT+08:00) 2011-12-26 17:30:52       CRI

 DAHILAN sa matatagalan pa ang paglilipat ng mga nabiktima ng bagyong "Sendong" sa mga mga Lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan, malaki ang posibilidad na pansamantalang manirahan sila sa mga tolda na itatayo ng pamahalaan.

Ayon sa pinakahuling ulat, may 60,000 mga mamamayan ang nawalan ng tahanan at pansamantalang naninirahan sa mga paaralan na magbubukas matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Nakapanayam ng mga mamamahayag si Civil Defense Chief Benito Ramos at nagsabing medyo magtatagal ang pagtatayo ng mga bagong matitirhan ng mga biktima.

Sinabi ni Bro. Armin Luistro, Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na mayroong dalawang malaking paaralang natangay ng baha at isang paaralan ang nangangailangan ng major repairs. May ilang mga silid na kailangan ding isaayos.

Napagkasunduan na umano ng mga punong-lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan na dadalhin sa core shelters ang mga biktima bago pa man sumapit ang Bagong Taon.

Ani Bro. Luistro, nararapat na linisin na ang mga paaralan bago mag-Bagong Taon upang huwag maantala ang pag-aaaral ng mga kabataan.

Tunay ngang maninirahan sa malalaking tolda ng United Nations ang mga biktima samantalang itinatayo pa ang kanilang core shelter sa mga ligtas na lugar, sabi pa ni Bro. Armin Luistro.

Hindi nagtatayo ang pamahalaan ng mga tahanan para sa mga nasalanta ng bagyo subalit ipinag-utos ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang pagbabawal sa mga nasalantang bumalik sa kanilang mga tahanan. Sa Lungsod ng Cagayan de Oro pa lamang, higit na sa anim na raan ang nasawi dala ng pagbaha. Magtatayo umano ng tahanan sa ibang pook, ligtas at malayo sa anumang pagbaha.

Ang mga biktima sa Iligan ay kailangang dalhin muna sa City Bus terminal sapagkat nahihirapan silang maghanap ng iba pang mapapaglagyan sa kanila dahilan sa bulubunduking pook sa paligid ng lungsod.

SITUASYON SA NIGERIA, GUMAGANDA; MANGGAGAWANG PINOY, MAAARI NANG MAGLAKBAY

INEREKOMENDA ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang pag-aalis ng deployment ban sa mga manggagawang Pinoy sa Nigeria mula sa unang araw ng Enero, 2012.

Ayon kay Kalihim Albert F. Del Rosario, pinag-aralan na nila ang situasyon sa buong bansa at kumbinsido silang natugunan na ang problemang dulot ng insurgency sa Niger Delta. Ito ang laman ng kanyang liham kay Labor and Employment Secretary Rosalinda D. Baldoz ng Kagawaran ng Paggawa.

Wala na umanong nabalitang kidnapping at ang bansang Nigeria ay masigla nang kinakikitaan ng demokrasya at isang magandang ekonomiya.

Idinagdag pa ni Kalihim del Rosario na mayroong 5,000 trabahong naghihintay sa Nigeria Nagsimula ang ban noong 2006 hanggang 2009 dahilan sa serye ng mga pagdukot ng mga banyagang manggagawa, kabilang na ang mga Pilipino.

Mayroon umanong 7,420 mga Filipino sa Nigeria na karamiha'y mga propesyunal at mga Filipino na kasal sa mga Nigerian nationals.

Sa kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Nigeria, sinabi ni Ambassador Nestor Padalhim na nangangailangan ang bansa ng skilled workers.

Sa taong papasok, ipagdiriwang ng Pilipinas at Nigeria ang ika-limampung aniberasyo ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

TAONG 2011, MAGANDA PA RIN SA AUTOMOTIVE INDUSTRY

KAHIT pa nagkaroon ng krisis sa ekonomiya sa Piipinas at maging sa daigdig, maganda pa rin ang taong 2011 para sa automotive industry, partikular para Toyota Motor Philippines, Inc.

Ayon kay Vice President Rommel Gutierrez, tinangkilik pa rin ng mga Filipino ang kanilang mga sasakyang gawa sa PIlipinas, ang Innova at ang Vios. Bagama't tumanggi si Atty. Gutierrez na magbigay ng datos sapagkat hawak pa ito ng Chamber of Auto Manufacturers of the Philippines, sinabi ni Atty. Gutierrez na kita naman ang agwat sa larangan ng bentahan sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

Sa panayam ng CRI-Filipino Service, sinabi ni Atty. Gutierrez na maihahalintulad pa rin sa taong 2010 ang taong magtatapos sa loob ng ilang araw. Samantlang wala pang aktuwal na bilang, angat pa rin umano sa pamilihan ang kanilang mga sasakayang Innova at Vios na naka-ambag sa employment o pagkakatrabaho ng mga manggagawang Filipino.

Isang positibong senyal ang maigting na bentahan ng mga sasakyan kahit a nagkaroon ng krisis sa Thailand at Japan, mga mahahalagang pook para sa isang Japan-based car manufacturing firm tulad ng Toyota.

Idinagdag ni Atty. Gutierrez na umaasa siyang magpapatuloy ang masiglang bentahan ng mga sasakyan hanggang sa susunod na taon.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>