|
||||||||
|
||
Nang ako'y lumakbay sa Shanghai upang lumahok sa Shanghai Expo, pumunta ako kasama ng aking Hapon na kaibigan sa mga probinsyang malapit sa Shanghai at isa na dito ay ang Zhejiang na ang kapital ay Hangzhou.
Ang Hangzhou ang pinakamalaking syudad sa probinsyang Zhejiang sa Silangang Tsina na may halos 8.7 milyong katao ang populasyon. Isa sa mga pangunahing syudad ng Yangzhe River Delta ang Hangzhou. Maunlad ang ekonomiya ng syudad na ito dahil na din sa lokasyon nito kung saan ay makikita sa silangang kanluran ng Shanghai at isa din ito sa mga kilalang syudad sa Tsina sa loob ng 1000 taon dahil sa napakagandang scenery dito na West Lake kung kanilang tawagin.
Ang syudad na ito ay naitatag noong panahon ng dinastiyang Qin, bilang Qintang County. Sa panahon ng AD 589, pinalitan ang pangalan nito bilang Hangzhou, na ang literal na kahulugan ay "River ferrying Prefecture, at naitayo din dito ang city wall pagkaraan ng dalawang taon. Sa kasalukuyan, ang Hangzhou ay nasa listahan ng isa sa pitong makalumang kapital ng Tsina.
Noong taong 2001, ikalawa sa pinakamaunlad na syudad ang Hangzhou base sa GDP nito na umabot ng 156.8 bilyong RMB na katumbas ng mahigit isang trilyong piso. At tumaas pa ito ng tatlong beses sa loob lamang ng walong taon na umabot sa 509.9 bilyong RMB sa taong 2009.
Kadalasan ay tinatawag itong isa sa pinakamagandang syudad sa Tsina at isa din sa may pinakamaraming scenic spots kaya naman may mga kasabihan ang Tsina hinggil sa syudad ng Hangzhou tulad nalang ng 上有天堂,下有苏杭 "Heaven Above, Suzhou and Hangzhou below." At "Be born in Suzhou, live in Hangzhou, eat in Guangzhou, die in Liuzhou." 生在苏州, 活在杭州, 吃在广州, 死在柳州 na nagpapahiwatig na magandang mamuhay sa Hangzhou dahil sa ganda ng mga sceneries dito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |