|
||||||||
|
||
NAGING maganda ang taong 2011 para sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sapagkat naisulong nito ang pagpapanatili at pagpapatibay ng pambansang seguridad, naitaguyod rin ang seguridad sa larangan ng ekonomiya at naipagsanggalang ang karapatan ng mga manggagawang Filipino sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Kabilang din sa mga nagawa ng kagawaran ay ang pagpapatibay ng institusyon at pagpapabilis ng serbisyo sa mamamayan.
Kabilang sa maituturing na accomplishments ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ay ang pagpapalitan ng mga dokumento ng Pilipinas at Tsina tungkol sa donasyon ng Chinese Ministry of Public Security ng may dalawang milyong Renmenbi na tinatayang halos tatlong daang libong dolyar (US $ 298,500) na halaga ng law enforcement equipment. Nagbigay din ang Tsina ng may sampung milyong RMB sa ilalim ng kasunduan ng Department of National Defense at Ministry of National Defense ng Tsina.
Kabilang din sa accomplishments ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ay ang pagkakahalal kay Senador Miriam Defensor Santiago sa International Criminal Court ng The Hague.
Nakatulong din umano ang Kagawara sa Public – Private Partnership roadshows sa Beijing, Shanghai at Xiamen sa pamumuno ni Finance Secretary Cesar Purisima noong Abril at Oktubre.
Sa larangan ng mga manggagawang Filipino sa iba't ibang bansa, nakatulong ang DFA sa pagpapauwi ng may 18,242 manggagawa at kanilang mga pamilya. Halos walong libong mga manggagawa ang nabigyan ng repatriation at medical funds mula sa pondong umaabot na sa may P 304 na milyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |