|
||||||||
|
||
TATANGGAP ang Pilipinas ng may $ 500 libong halaga ng relief goods mula sa bansang Korea. Si South Korean Ambassador Lee Hye Min ang magbibigay ng mga karaniwang pangangailangan ng mga biktima ng trahedya sa Mindanao sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development.
Ang donasyon ay maglalaman ng 500 set ng mga tolda, 15,000 piraso ng mga tuwalya, 3,000 karton ng chicken and beef rice set at halos pitong libong water purifier tablets.
Ang Korean International Cooperation Agency ang pinagmulan ng donasyon. Isinakay kaagad sa barko ng Hukbong Dagat ng Pilipinas ang mga donasyon kahapon at inaasahang darating sa Cagayan de Oro bukas ng umaga.
Nagpasalamat si Kalihim Corazon Juliano Soliman sa donasyon ng Korea para sa mga nasalanta ng bagyong Sendong.
IPINAABOT ni Pangulong Pratibha Devisingh Patil ng India ang akikiramay kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagkasawi ng mga mamamayan sa katimugang bahagi ng Pilipinas dala ng bagyong "Sendong."
Ikinalungkot din ni Pangulong Patil ng India ang pagkapinsala ng mga ari-arian at mga pagawaing-bayan sa mga sinalanta ng matinding baha.
BUKAS, isasagawa ng Philippine National Red Cross ang relief operations na napapanahon sa Bagong Taon sa may 8,000 mga pamilya na nasa 28 evacuation centers sa Cagayan de Oro at Iligan Cities. Makakasama sa relief operations si Red Cross Chairman Richard Gordon.
Magtatayo ng may 1,000 mga tolda para sa mga evacuees na naninirahan pa sa mga paaralan. Magbabahagi rin sila ng may 5,000 hygiene kits na may sabon, shampoo, mga tuwalya, toothbrush, toothpaste, pang-ahit at may 10,000 non-food items tulad ng mga banig, kumot, kulambo at timba sa bawat pamilya. Mayroon ding mga laruan para sa mga bata.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |