Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

May 25 ang nasawi, maraming nawawala sa pagguho ng lupa sa Mindanao

(GMT+08:00) 2012-01-05 17:48:47       CRI

DALA ng halos walang-patid ng ulan, gumuho ang lupa sa Sitio Diat Uno, Barangay Napnapan, sa Pantukan, Compostela Valley kaninang mga ikatlo ng umaga.

Ayon kay Col. Leopoldo Galon, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Military Command, may 16 ang nasawi samantalang pinangangambahang nawawala ang may 100 katao. Napinsala rin ng pagguho ng lupa ang tahanan ng may 50 pamilya.

Nagpadala na umano sila ng mga kawal upang magsagawa ng search-and-rescue operations sa pook. Isang S76 helicopter na rin ang ipinadala sa lugar.

Sa panig ng Malacanang, inutusan na ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang madaliang pagtulong sa mga taong napinsala ng trahedya.

Ayon sa Malacanang, may 25 katao na ang nasawi samantalang 16 na iba pa ang nasugatan. Sa media brieding, sinabi ni Kalihim Edwin Lacierda na maliban sa mga kawal, ang local Disaster Risk Reduction Management Council at Office of Civil Defense ay aktibo na rin sa kani-kanilang operasyon sa lugar. Kasama na rin ang mga kagawaran ng Interior and Local Government, Social Welfare and Development at maging ang Environment and Natural Resources.

Tinitiyak na rin ng tanggapan ni Kalihim Ramon Paje ng Environment and Natural Resources na magiging ligtas ang search and rescue operatives sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga geologist upang masusing pag-aralan ang lugar.

Ayon kay Col. Galon ng Eastern Mindanao Military Command, aabot sa may 100 katao ang nawawala dahilan sa pagguho ng lupa. Isang pagguho na rin ang naganap sa Pantukan noong nakaraang Abril dahilan sa small-scale miners na naghahanap ng ginto sa dalisdis ng kabundukan.

CHINESE NEW YEAR, PIYESTA-OPISYAL SA PILIPINAS

IDINEKLARA ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang ika-23 ng Enero, araw ng Lunes, bilang isang special non-working holiday sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Ayon sa kanyang Proclamation No. 295 na nilagdaan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., idinekalara ni Pangulong Aquino ang Enero 23 bilang special non-working holiday upang bigyan ang mga Chinese-Filipino at mga Filipino ng pagkakataong ipagdiwang ang mahalagang araw.

Ayon kay Pangulong Aquino, ang mga Tsino sa buong daigdig ay magdiriwang ng Spring Festival na kilala sa pangalang Chinese New Year na isa sa pinakamahalagang pagdiriwang hindi lamang sa Tsina kungdi sa Pilipinas ng mga Chinese-Filipino at mga karaniwang Filipino.

Isa umanong pakikiisa sa mga Tsino ang pagdiriwang na ito. Malaking bahagi na rin naman ang naiambag ng mga Tsino sa buhay ng bansang Pilipinas at mga mamamayan nito, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>