Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Makasaysayang impeachment trial, sisimulan na sa Lunes

(GMT+08:00) 2012-01-12 18:16:58       CRI

Handa na ang lahat para sa kauna-unahang impeachment trial laban sa nakaluklok na Punong Mahistrado ng Korte Suprema, Chief Justice Renato Corona. Tulad na itinatadhana ng batas sa Pilipinas, ang Pangulo ng Senado, Senate President Juan Ponce-Enrile, ang mangangasiwa sa impeachment trial.

Ayon kay Atty. Ma. Valentina S. Cruz, Tagapagsalita ng Impeachment Court, wala siyang nagugunitang impeachment proceedings laban sa sinumang chief justice sa mga kalapit na bansa ng Pilipinas sa nakalipas na ilang taon.

Magugunitang idinaos din sa senado ang impeachment proceedings noong taong 2000 laban kay Pangulong Joseph Ejercito Estrada na pinamunuan ni Chief Justice Hilario Davide. Usaping graft ang ipinarating ng house of representatives sa senado.

Sa isang press briefing kanina, sinabi ni Atty. Cruz na hindi naman kailangang humarap sa unang araw ng impeachment proceedings si Chief Justice Corona. Idinagdag ng abogado na pawang mga tagapagtanggol lamang ng punong mahistrado ang nakaaalam kung haharap ba sa impeachment court sa lunes si Ginoong Corona.

Samantala, sinabi naman ni Senate sgt.-at-arms retired Air Force General Jose Balajadia na wala silang nakikitang banta mula sa mga terorista na maghahasik ng gulo sa impeachment trial. Inamin ng retiradong heneral na pinaghahandaan nila ang mga magsasagawa ng rally mula sa magkakabilang-panig.

Sa press briefing, sinabi ni General Balajadia na humingi na sila ng dagdag na tauhan mula sa pulisya upang tulungan ang senate security na magpanatili ng kaayusan sa paligid ng senado.

Tanging 175 lamang na mga panauhin mula sa general public ang matatanggap sa senado sa oras ng impeachment. Limitado ang espasyo sa senado kaya't 361 lamang ang makakapasok, kasama na ang mga mamamahayag, mga tauhan ng mga senador at kanilang mga bisita na sasaksi sa makasaysayang impeachment trial.

Sa 175 katao mula sa general public, 25 na ang nakalaan sa mga senior citizens.

Samantala, isinauli na ni U.S. Ambassador to the philippines Harry K. Thomas kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang isang tseke na nagkakahalaga ng isang daang libong dolyares (us $ 100,000) na diumano'y illegal na natamo ni dating Armed Forces of the Philippines Comptroller General Carlos F. Garcia.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni ambassador thomas na kanyang ikinatutuwang ipagkaloob kay Ombudsman Conchita Carpio Morales ang tseke, na simbolo ng patuloy na suporta ng America sa Anti-Corruption Programs ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Ani ambassador Thomas, ito ay isa ring pagtiyak na ang anumang nakaw mula sa Pilipinas ay maibabalik sa mga tunay na may-ari nito at sa usapin ni General Garcia, sa pamahalaan at mga mamamayan ng pilipinas.

Noong nobyembre 2003, dalawa sa mga anak ni GeneralGarcia ang nagtangkang magpuslit ng $ 100,000 cash papasok sa estados unidos sa San Francisco. Ang salapi ay sinamsam ng mga tauhan ng U. S. Immigration at Customs Enforcement Agents.

Umamin ng kanilang kasalanan ang magkapatid sa kasong smuggling at nahatulan. Noong 2010, hiniling ng office of the Ombudsman na ibalik ang $ 100,000 sa Pilipinas sa ilalim ng US-Philippine mutual legal assistance treaty.

Ani ambassador Thomas, ang salapi ay ibinalik sa pilipinas bilang pagtupad sa alituntuning magbabalik ng anumang kinulimbat sa mga tunay na may-ari nito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>