Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, umaasang mas maganda ang taong 2012

(GMT+08:00) 2012-01-13 17:51:46       CRI

IPINAABOT ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang kanyang pag-asa na higit na magiging maganda ang taong 2012. Sa tradisyunal na vin d'honneur na idinaos sa Malacanang kanina, sinabi niya na walang anumang aspeto ng buhay ng bansa na hindi nakadama ng liwanag ng araw sa nakalipas na taon.

Ipinagmalaki ni Pangulong Aquino ang magandang nagawa sa pagsugpo sa pangungulimbat at kahirapan at ang pagkakaroon ng mas magandang economic climate sa pamamagitan ng patas at tapat ng mga gawain. Nabanggit na umano ng iba't ibang grupo ang tagumpay na natamo sa pamamaraan ng pag-anyaya sa mga kalakal mula sa iba't ibang bansa.

Ipagpapatuloy pa rin ng pamahalaan ang pagsusulong sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mamayan upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Pag-iibayuhin pa rin ang mga programa upang umunlad ang buhay ng mga mahihirap tulad ng Conditional Cash Transfer.

Titiyakin din ang kaligtasan ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng defense capabilities at paghahangad ng kapayapaan samantalang tinutugis ang mga lawless at criminal elements.

Ang lahat ng ito'y gagawin upang umunlad ang bansa at mga mamamayan, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

EXPORTS NOONG NOBYEMBRE, BUMABA

IBINALITA ng National Economic and Development Aurhority na ang mahinang performance ng merchandise exports noong Nobyembre, 2011 ay dahilan sa mataas na presyo ng raw materials, mas mababang paggastos ng daigdig at problema sa supply chain dahilan sa mga pagbaha sa Thailand.

Ginawa ng ahensya ang pahayag matapos ibalita ng National Statistics Office na ang export revenue noong nakalipas na Nobyemre ay umabot lamang sa $ 3.342 bilyon o mas mababa ng 19.4% sa $ 4.146 bilyon noong Nobyembre, 2010.

Ayon kay Kalihim Cayetano Paderanga, Jr. ang exports ng manufacturer ay bumaba dahilan sa mahinang performance ng semiconductors, electronic data processing unit at automotive electronics.

Ani Kalihim Paderanga, bumaba rin ang pandaigdigang benta ng semi-conductors at nagkaroon ng 2.4% decline noong Nobyembre, 2011.

Idinagdag niya na ang Thailand ay nagkaroon ng negative exports growth na 12.5 % noong Nobyembre 2011 subalit karamihan sa mga industriya ay nagbawas ng production dahilan sa kahirapan sa exports at pag-import ng raw materials.

Kailangan umanong magkaroon ng mas aktibong pananaw ang pakikipagsabayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Export Development Council, Kagawaran ng Kalakal at Industriya at Kagawaran ng Pagsasaka upang magkaroon ng maayos na pagbabalak upang matamo ang mas magandang bahagi ng export market.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>