Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kanlurang Lawa sa Hangzhou

(GMT+08:00) 2012-01-16 16:44:15       CRI

Xihu (西湖) na ang literal na ibigsabihin ay West Lake ay matatagpuan sa makasaysayang sentro ng syudad ng Hangzhou.Naimpluwensiyahan ng natural na kagandahan at mga makasaysayang bagay ng West Lake sa napakaraming taon ang maraming manunula at pintor at ito din ay naging inspirasyon ng maraming tagadisensyo ng hardin.

Cloud-Sustained Path in a Bamboo Grove

Noong nakaraang taong 2011 lamang ito nakapasok sa UNESCO World Heritage Site at inilirawan bilang lugar na nagdala ng malaking impluwensya hindi lamang sa Tsina kung hindi pati sa Hapon at Korea sa larangan ng pagdesinyo ng hardin.

Clouds Scurrying over Jade Emperor Hill

Sa pagkakatatag ng Republika ng Tsina noong 1949, ang Hanzghou ang isa sa mga kauna-unahang syudad sa Tsina na nagbukas para sa turismo. Dahil dito, malawakang pinasulong ng gobyerno ang West Lake.Isa-isang binuksan sa mga turista ang mga lugar na kainte-interes sa West Lake tulad nalang ng Fish Viewing at the Flower Pond par, Oriioles Singing in the Willows park at iba pa.

Dreams at Galloping Tiger Spring

Naging maikli ang aking paglalakbay sa Hangzhou, dahil sa napakalaki ng lugar na ito at napakadami ng lugar na dapat puntahan kulang yata ang isang araw na paglibot sa lawang ito. Isa sa aking napansin sa West Lake maliban sa mga tourist spot dito, tulad ng mga templo, hardin, katubigan at iba pa ay ang mga pangalan ng mga lugar na ito.

Misty Trees by Nine Streams

Ang mga pangalan ng mga lugar ay may apat na Chinese character epithet, at ang mga pangalan ng bawat lugar ay nakasulat sa isang bato, na matatagpuan sa bawat lugar, sa kaligrapiya ng emperador Qianlong, ang ika-anim na emperador ng dinastiyang Qing.

Ang pinakabagong Top Ten scenes sa West Lake na nararapat lamang puntahan sa pagdalaw sa West Lake ay ang mga sumusunod:

a.Cloud-Sustained Path in a Bamboo Grove (雲棲竹徑)

b.Misty Trees by Nine Streams (九溪煙樹 )

c.Dreams at Galloping Tiger Spring (虎跑夢泉)

d. Yellow Dragon Cave Dressed in Green (黃龍吐翠 )

e. Sweet Osmanthus Rain at Manjuelong Village (滿隴桂雨)

f. Clouds Scurrying over Jade Emperor Hill (玉皇飛雲) g. Inquiring about Tea at Dragon Well (龍井問茶)

h. Precious Stone Hill Floating in Rosy Clouds (寶石流霞)

i. Heavenly Wind over Wushan Hill (吳山天風) j. Ruan's Mound Encircled by Greenness (阮墩環碧).

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>