Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Masayang pagdiriwang ng Chinese New Year idinaos

(GMT+08:00) 2012-01-23 18:28:59       CRI

KARANIWANG makikita ang mga dragon dancers sa mga malalaking lungsod sa buong Pilipinas sa pagdiriwang ng Filipino-Chinese communities ng kinagawiang "Chinese New Year" ngayong araw ng Lunes, ika-23 sa buwan Enero.

Mayroon ding pagpapalitan ng mga ala-ala o regalo bago sumapit ang pagdiriwang tulad ng pamamahagi ng tikoy, ang rice cake na kinagawian ng mga Tsino at mga Pinoy sa bawat pagsisimula ng lunar year. May mga pamilya ring nagsama-sama sa pananghalian at hapunan sa mga sikat na restaurant.

Bago naghatinggabi kagabi ay narinig ang mga paputok na mas kakaunti sa ginamit noong Disyembre 31 at nakita naman ang mga lusis at iba pang pangdagdag-saya sa mga pagtitipon ng mga Pilipino. Ang mga shopping mall ay ngayong hapon na lamang nagkatao o customers. Marami ang napuyat sa pagsalubong ng Bagong Taon, hudyat ng pagsisimula ng "Spring Festival."

Sa Binondo, isang distrito ng mga Tsinoy sa Lungsod ng Maynila, libu-libo katao ang nagdiwang ng unang araw ng Year of the Water Dragon. Maliban sa mga paputok, dumagsa ang "dragn dancers" na nananapat sa mga tahanan at mga tanggapan ng mga kilalang mangangalakal at indibiduwal.

Ayon sa Philippine National Police, payapa ang pagdiriwang ng Chinese New Year hanggang kaninang alas dose ng tanghali. Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr., walang anumang madugong insidente na naiparating sa kanilang tanggapan. Naka-alerto pa rin ang mga pulis sa Maynila na katatagpuan ng Chinatown.

Mula noong isang linggo, dumagsa na ang mga Tsinoy at mga purong Filipino sa Chinatown upang mamasyal at mamili ng mga sinasabing "lucky charms."

Marami ring national at local officials na bumati sa mga Tsinoy. Isa sa mga nagpadala ng mensahe sa mga Tsinoy ay si Senador Edgardo J. Angara.

Ayon sa mambabatas, ang taon ng Water Dragon ay magdudulot ng magandang pagkakataon sa negosyo o kalakal.

Idinagdag ng mambabatas na sa taon ng Water Dragon, magkakaroon ng magandang kapalaran ang mga Filipino-Chinese partikular ang mga sangkot sa mga small at medium-scale enterprises. Ito rin anya ang magiging daan upang mas maraming investors ang makadalaw sa bansa at maglagak ng kapital sa Pilipinas.

Isang sector ang masaya, ang telecommunication companies sapagkat tuloy ang pagpapadala ng Chinese New Year greetings sa pamamagitan ng mobile phones.

Ikinalungkot naman ng mga tsuper ng taxi ang pagdiriwang ng Chinese New Year sapagkat ginawang pista opisyal at nangangahulugang walang pasok sa paaralan at mga tanggapan. Wala umanong pasahero sapagkat walang pasok. Marahil ay abunado pa raw sila sa boundary nila sa mga taxi operators.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>