|
||||||||
|
||
MULA sa Puerto Princesa City sa Lalawigan ng Palawan, malaki ang posbilidad na masugpo ng tuluyan ang leprosy sa Pilipinas. Ito ang pinaguusapan ng mga dalubahsa mula sa World Health Organization, Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas at Novartis.
May 100 mga dalubhasa ang nagsama-sama upang talakayin ang mga isyung may kinalaman sa leprosy.
Ayon kay Prof. Dr. Klaus Keisinger, chairman ng Novartis Foundation for Sustainable Development, kailangang malaman ang iba't ibang misyon at obligasyon ng iba't ibang tanggapan upang huwag masayang ang panahon at resources ng iba't ibang ahensya.
Kailangan din ang pagpapasigla ng leprosy education, policies at research and development. Ito ang nilalaman ng pag-aaral na ginawa ng Culion Foundation, Inc. na binanggit ni Dr. Alberto Romualdez, dating Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan.
Isa ang pagtitipong ito sa mga isinasagawa bago sumapit ang World Leprosy Day na idaraos sa Lunes, ikatalumpu ng Enero.
Ipinaliwanag ni Christine Liwanag ng Novartis Philippines na desidido ang kanilang kumpanya na masugpo na ang karamdamang ito na may dalawang libong taon nang nakaka-apekto sa mga mamamayan.
Bahagi umano ng kanilang "corporate social responsibility" ang pagtitipong ito sa kampanyang mabawasan ang mga insidente ng leprosy sa Pilipinas. Ipinagkakaloob ng Novartis ang tatlong gamot na susugpo sa karamdaman na kilala sa taguring MDT o multi-drug therapy.
Sa panig ni Dr. Francesa Cando-Gajete, national leprosy control program manager, matatagpuan ang karamdamang ito sa ilang mga lalagiwan ng bansa, kabilang na ang Metro Manila.
Ipinaliwanag ni Assistant Secretary Paulyn Jean B. Rosell-Ubial na nais nila at ng pamahalaan na bumaba sa isa sa bawat sampung libo ang magkaroon ng karamdaman na mas maliit sa bilang noong mga nakalipas na panahon.
Pumapangalawa ang Pilipinas sa Tsina sa bilang ng mga may karamdaman ng leprosy subalit pagpipilitan ng bansa na higit na makapagsaliksik sa mga malalayong pook upang madaluhan ang mga may karamdaman nito.
Nagkaisa ang tatlong resource persons natin sa panayam na mahalaga ang pagtutulungan ng iba't ibang tanggapan upang masugpo ang leprosy sa buong Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |