|
||||||||
|
||
Matapos namin pumunta sa Hangzhou mula sa Shanghai, tumungo kami ng aking Hapon na kaibigan patungong Suzhou.
Ang Suzhou ay isa sa pangunahing syudad na matatagpuan sa Timog-Silangang bahagi ng probinsyang Jiangsu. Ang syudad na ito ay matatagpuan sa ibabang bahagi ng lagusan ng Yangtze River.
Kilala ang syudad ng Suzhou sa mga nagagandahang hardin na napasama sa UNESCO World Heritage noong 1997 at traidtional na tabing-tubig na arkitektura. Tulad nga ng kasabihang "Gardens to the south of Yangtze River are the best in the world and Suzhou gardens are the best among them". Ang mga harding ito ay kilala hindi lamang sa dami kung hindi pati sa ganda at maharmonyang konstruksyon ng mga ito.
Ang Suzhou ay naitatag noong 514BC na may 2500 taong kasaysayan. Katangi-tangi ang syudad ng Suzhou kumpara sa ibang syudad sa Tsina dahil napanatili nito ang makalumang karakter sa kasalukuyang panahon.
Madalang akong makalanghap ng preskong hangin dito sa Beijing, kaya't nilubos ko na ang paglanghap sa napakapreskong simoy ng hangin sa Suzhou. Kung maaari lamang ako maglagi ng buong araw sa hardin na ito ay gagawin ko. Isa pa sa aking napansin sa syudad na ito ay hindi ka makakaramdam ng pagkatuyo sa iyong lalamunan dahil ang Suzhou ay pinaliligiran ng katubigan na sumasakop sa 42% ng buong syudad.
Sa kasalukuyan may halos 60 hardin ang mabibisita sa Suzhou at madami sa kanila ay nakalista na sa World Heritage List at ilan sa mga ito ay ang Humble Administrator's Garden, the Garden of Master of Nets at the Lion Grove Garden.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |