Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tatlong kilalang terrorista, nasawi sa operasyon ng mga kawal ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2012-02-03 18:23:57       CRI

LABINLIMANG mga terorista ang nasawi sa isang operasyon ng Santadahang Lakas ng Pilipinas sa pamamagitan ng Western Mindanao Command mga ikatlo ng umaga kahapon sa Barangay Duyan Kabau, Parang, Sulu.

Ayon sa balita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, tatlong kilalang terrorist personalities na kasama ng Jemaah Islamiyah ang napaslang.

Kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police sa pagbibigay ng pagpapatotoo sa pagkasawi ng 15 mga terorista na kinabibilangan ng Jemaah Islamiyah leader na si Zulkipil Bin Hir na may alias na Marwan, Muhammad Ali Bin Abd Al-Rahman alias Mauwiyah at ang Abu Sayyaf Group leader na si Gumbahail Jumdail na kilala rin sa pangalang Dr. Abu.

Si Marwan ang sinasabing isa sa mga pinuno ng JI sa Timog Silangang Asia matapos madakip si Umar Patek sa Pakistan. Si Mauwiyah ay isang kilalang contact ng JI samantalang si Dr. Abu ang sangkot sa pagdukot at illegal detention sa Dos Palmas, Puerto Princesa City sa Palawan noong 2001 at maging sa Sipadan, Malaysia noong taong 2000.

Ang pinagsanib na law enforcement operation ay base umano sa impormasyong mayroong mga terorista sa Sulu. Nakatanggap ang AFP ng report na mayroong mga 30 kasapi ng JI na nakarating sa Sulu noong Disyembre 2011 na kinabibilangan ng may anim na banyagang panauhin.

UNITED NATIONS AT MGA KATULONG NA SAMAHAN, NANAWAGAN SA NGALAN NG MGA BIKTIMA NG TRAHEDYA SA MINDANAO

NANAWAGAN ang United Nations at mga kasamang ahensya sa madla sa ilalim ng Humanitarian Action Plan for Mindanao bilang tugon sa lumakaling pangangailangan ng mga biktima ng bagyong "Washi" na kilala sa pangalang "Sendong." Ang panawagan ay humihiling ng $ 39 milyon upang tulungan ang may 300,000 mga mamamayan sa loob ng anim na buwan. Nadagdagan ang pangangailangan ng may $ 10.6 milyon mula sa unang hiniling na halagang $ 28.4 milyon kamakailan.

Ayon kay Bb. Jacqui Badcock, UN Resident and Humanitarian Coordinator para sa Pilipinas, nakita na niya ang pagsisikap ng mga nasa pamahalaan, mga aid organization, civil society at mga biktima mismo na tulungan ang kanilang mga sarili. Idinagdag pa niya na kailangan ang pangmatagalang tulong upang maibigay ang mga pangangalangan na layuning makabuo ng masisiglang mga komunidad.

Magugunitang naghatid si "Sendong" ng tuloy-tuloy na pag-ulan mula ika-16 hanggang ika-18 ng Disyembre na naging dahilan ng pagbaha at pagguho ng lupa. Halos 48,000 mga tahanan ang napinsala at kabuhayan ng may 625,000 mga mamamayan ang nasira at may 550,000 katao ang napilitang lumisan mula sa kanilang mga tahanan.

Pitong linggo matapos ang trahedya, may 21,900 katao ang naninirahan pa sa mga matataong evacuation centers sa mga lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan samantalang may 400,000 katao ang nasa mga barung-barong at nakikitira sa mga kamag-anak. May mga bumalik na umano sa mga peligrosong mg pook na deklarado na ng pamahalaang "no-build" zones.

Samantala, pinuri naman ni Assistant Secretary Eduardo Martin R. Menez ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, ang matagumpay na paglulunsad ng Emergency Revision of the 2012 Philippines Humanitarian Action Plan for Mindanao bilang tugon sa bagyong "Sendong."

Ayon kay Ginoong Menez ang paglulunsad na ginanap kanina ay nagpapakita lamang ng dedikasyon ng pamahalaan, civil society at ng international community upang tugunan ang pangangailangan ng mga pamilya, kababaihan at mga kabataang nagsisimula pa lamang makabawi sa hagupit ng bagyong "Sendong."

MGA BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITMENT, NAILIGTAS

MGA kababaihan ang nailigtas ng mga tauhan ng Inter-Agency Council Against Trafficking ang 13 mga inabusong Filipina sa Laguna at 18 mga biktima ng illegal recruitment sa Tawi-Tawi sa dalawang hiwalay na operasyon.

Si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay

Nagpasalamat si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa mga bumubuo ng dalawang koponang nagsagawa ng pagsalakay laban sa mga human trafficker, lalo na sa mga nag-aabuso ng mga kabataang babae at mga sinamang-palad na mga kababaihan.

Si Ginoong Binay ang Chairman Emeritus ng IACAT. Sa pinakahuling mga pagsalakay, makikita ang pag-angat ng Pilipinas sa talaan ng Global Trafficking in Persons Report ng United States State Department.

Ang mga tauhan ng IACAT at Women's and Children's Protection Division ng Binan Police Station ang nakapagligtas noong Miyerkoles ng gabi ng 13 mga kababaihan at nakadakip sa tatlong pinaghihinalaang mga ugaw sa isang resort sa Binan.

Nagpakilalang mga customer ang mga tauhan ng PNP Police Criminal Investigation and Detection Group at Kagawaran ng Katarungan. Humiling sila ng mga batang babae mula sa mga bugaw para sa isang pagtitipon ng mga kabinataan sa isang resort sa Barangay San Antonio.

Sa pagdating ng mga kababaihan na kinabilangan ng mga batang 15 hanggang 16 na taong gulang at pagpapalitan ng markadong salapi, dinakip ang tatlong bugaw. Nasa pangangalaga na ng CIDG ang mga kababaihan. Kakasuhan ang mga bugaw ng paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Sa Tawi – Tawi, ang mga tauhan ng IACAT at Tawi-Tawi Provincial Police Office at Department of Social Welfare and Development, nakaligtas ang pitong kababaihan at 11 kalalakihan na ipupuslit n asana patungong Malaysia.

Ang 18 katao ay nakasakay na sa Motor Vessel Trisha 2 sa Bongao nang mailigtas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>